kanina, habang binabalikan ang ilan sa mga lumang posts ko, napansin ko ang isang kumento na nakapagpataba sa puso ko ... maraming salamat kiko.
________________________________________
On : 12/27/2004 7:53:01 AM
isko (
www) said:
ang ganda ng nakasulat... sarap umibig ano? sakit nga lang mabigo.. pero masakit din sa ulo ang may iba't ibang mahal.. nde naman sa pagiging opurtunista.. pero minsan nagkakasabay sabay talaga eh.. sabi nila..likas daw sa lalaki ang maraming babae...pero..minsan din kung alam ng babae.. kahit masakit sa kanya.. natatanggap nya... likas din kasi sa kanya ang pagiging martir. sa ngayon? yan ang problema ko.. 3 ang karelasyon ko.. ung orig... alam nyang may iba akong sabit.. yung 2nd.. alam nya rin na may sabit ako.. yung 3rd.. alam din nya.. lahat naman sila eh.. kasi before hand..sinasabi ko na.. kaya lang nde mo talaga maiiwasan.. ako gumawa ng sakit ng ulo..kaya madalas ulo ko ang sumasakit.
siguro ito na ang tinatawag na karma.. kung anong gawin mo..babalik sayo... noong nasa sekondarya at kolehiyo ako..nde ako marunong lumapit sa babae.. kasi hindi ako guapo hindi rin ako mayaman..wala akong ka dating dating.. maralita lang kasi ako..hindi ko kayang bumili ng pamporma.. isang tipikal na mag aaral.. ngayon? ganun pa rin..natuto lang siguro akong magsalita ng galing sa loob ko.
pano ko ba kayo makikilala? sa mga nabasa ko rito... mahusay na alagad ng sining ang may akda ng mga nabasa ko.. sana magkaroon ng pagkakataong makapag ambag din ako.
maraming salamat at magandang gabi- kiko
__________________________________________
Ang post na nabasa ni Kiko ...
What’s wrong with you!April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …
Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.
“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …
Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …
What’s wrong with me?
Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.
Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move on pare, sabi ko sa sarili.
Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.
Isang araw naka receive ako ng text:
“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …
parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.
Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …
Kanina lang nag text ako …
“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …
Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …
Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.
“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”
katahimikan…
“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!
he hung up.