Sunday, June 27, 2004

Ang Pagsulpot ng Mga Multo Kung Saan-saan

Ano nga bang meron kagabi? parang masyadong naging excited ang mga tao, at dati pa, na-plano nang mag punta sa White Party Manila 2004, pero naging magandang oportuninad iyon para makasama ulit ang mga kaibigang sobrang na-miss ko na. Kay saffronsun, kay aileen, kay breakdownandcry, kay best friend hello-kitty, kay gorjus paolo, kay mike, kay warren ... salamat sa gabi.

Simula ng Araw
Napaka hindi normal na Sabado na 'to para sa trabaho ko, usually pag-gising ko pa lang mula sa overtime ng friday, iisipin ko na kung pano tapusin ang mga trabahong dapat ay nililibot na for sign-off. Pag-gising ko kahapon, wala akong inisip. Madami akong nagawa, pero wala akong inisip, Ay, ang labo, basta ganun! Parang nagsimula lang ang araw nung unti-unti naang dumidilim ang kalangitan, at unti-unti na akong naghanda para makipagkita kay hello-kitty.

Muling Pagkikita
Naging abusado si mamang driver ng cab, pero di ko na pinansin, sayang lang sa energy ... Pagdating ko sa Malate, napalitan ang konting pagka-inis ng kasiyahan nang muli kong nakita si saffronsun, kasama si aileen. Miss ko na siya sobra. Mejo maaga ang pagpunta nila, mga 21:00H, pero ok lang, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap at makapagkulitan. Sumunod na dumating si Mike, sumunod si Paolo ... napaka-refreshing ng face niya. At si breakdownandcry? asan na nga ba siya? 1:30 am pa darating? ummmm ... ok.

Still Up? Unang Pagpaparamdam ng Multo
Parang nasanay na akong kapag gabi ay may matatanggap akong short message kay Raf.
"Still up?"
"Yeah, dito ako Malate, wazup"
"Nothing"
Ampucha ... Still up? yun lang ba kaya mong sabihin? nagsasawa na ako sa ganitong setup.

Isang Batalyon ng Multo, Pangalawang Pagpaparamdam
Si Gani, isa ... si Rain, dalawa ... si CJ? siya nga ba yun?, tatlo ... malay ko kung sino pang kasama nilang kinamumuhian ako =) hehehe. nanghihinayang ako, pero wala akong pakialaam sa mga taong ... ummm ... hindi ko masakyan ng takbo ng isip. At nasa paligid lang din pala si P, pero hindi ko napansin ... pag nagkataon, pang-apat siya sa batalyon.

Nandito Ka Pa Ba?
2:00 am ...
"Nandito ka pa ba?" si Darwin
"Asan ka ..."
"NY Cafe"

Kaninang hapon lang sabi niya hindi siya makakapunta, "magtatampo na ba ako sayo" ... nagtatampo na ako. Ilang plano na rin ang hindi natuloy dahil lang sa hindi siya pwede, nakakainis. Pero kaninang 2:00am, nandun siya sa White Party, with some friends, na-corner daw siya. Bad trip, sobra. So pag na-corner ka ng friends mo, pupunta ka? hindi ko maitago ang pagkadismaya ko. Pero eto ako, parang gago na kahit na naiinis na, nagmamadaling bumalik sa NY Cafe mula sa pag papa-henna nila mike at breakdownandcry, kahit na umuulan. Ang gago mo tauf!

"Asan ka"
"Pababa na" sabi niya

At muli kaming nagkita ...

halik kay hello-kitty, halik sa akin ... "nagtatampo ka na ba?" nakakatunaw ng tuhod ang tanong na iyon, hindi ko alam kung naglalambing, o nag-aalala ... hindi ako sumagot. Kinagat niya yung balikat ko, nagpapa-cute ... pumulupot ang kamay ko sa ulo niya, habang ginugulo ng konti ang buhok niyang basa ng ulan ... miss ko na siya.

unang pag-ibig talaga, nakakabaliw...

Kahit anong seryosong nasabi kong mahal ko si Raf, mahal ko si P, parang nagiging joke kapag nakikita ko si Darwin. Siya na lang siguro ang pamantayan ng pagmamahal ko, na nagtagal ng halos isang dekada, mahal ko pa rin siya, kahit na naiinis ako.

putik, 5:30 na? nahithit ko na pala ang buong kaha ng West Ice, hindi pa rin kami umuuwi...

Saturday, June 26, 2004

Pagbabalik Loob ng Isang Tomasino

Kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, mahal ko ang aking pamantasan, ang Unibersidad ng Santo Tomas. Iba ang pakiramdam ko kapag pumapasok ako sa gate sa España, parang nag gaan, parang lulutang ako sa ere. Iba ang kultura ... kulturang totoo, walang bahid ng pagkukunwari. Isa itong pamanatasan na madaling pakisamahan ang mga estudyante. Totoo kasi.

Kamakailan lang, pagkatapos ng SMART NEO, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Cla na magbalik loob sa UST, at muling naramdaman kung ano nga uli ang pakiramdam sa loob ... ang sarap, sobra.

Kumpisal ng Isang May Sakit ...

Ang Pag-Amin

last year, sabi nung doktor ko sa UST Hospital, meron daw akong anxiety disorder. Umm, siguro nga tama siya, pero hindi naman siguro sapat na sabihin niyang uminom ako ng anti-Ds para sundin ko siya, normal ako, natatakot lang minsan sa lahat ng bagay, pero sino bang hindi natatakot? Pasensiya na lang kung minsan ang dami kong reklamo sa buhay, ganun lang talaga ako atakihin kapag tinotopak ang lintik na sakit na ito.

Pampagaan ng Loob

Natutuwa ako sa maraming bagay, sa sobrang tuwa ko, nagkaroon ako ng gana na ilista silang lahat sa post na 'to. Sana matuwa din kayo =)

1) Natutuwa akong hindi ko na masyadong pinahihirapan ang sarili ko. Malaki ang naitulong ng mga experiences sa mga nakalipas na taon, mas maraming pressure sa sarili, mas malungkot, at hindi iyon ang buhay.

2) Natutuwa ako sa panibagong pagkakataon sa trabaho na ibinigay sa akin ng SMART, matrabaho, madaming ginagawa, pero siguro nag mature na lang ako bigla na hindi ko na pinoproblema ang performance ko sa office, basta alam ko nagtatrabaho ako ng matino, pag hindi nila gusto ang ginagawa ko, problema na nila yun, hindi ko kailangan paligayahin ang lahat.

3) Natutuwa akong mukhang masaya sa Paolo sa bago niyang relasyon. Best wishes P =)

4) Natutuwa akong marami akong tunay na kaibigan na mahal ako, at mahal ko rin nang lubusan.

5) Natutuwa akong hindi na ako nangungulit ng mga tao.

6) Natutuwa ako na na-miss ako ni Tin Lim Ang =P, salamat sa pagpaparamdam kaibigan, tulad na sabi mo, sana lumabas tayo minsan, at mukhang marami tayong pagkukwentuhan

Natutuwa ako sa mas marami pang bagay na hindi ko na pwede ibahagi sa inyo. Sama sama tayong magpakasaya! =)

6)

Friday, June 04, 2004

Ito ang Buhay

Isang linggo rin akong hindi naka-connect sa mundong ito, kaya maraming kwento, isa-isahin para sa mga interesadong bumasa. Sa mga nag-iisip kung ano na ang nagyayari sa akin sa bago kong trabaho, pakibasa po sa pinakababang parte ng post na ito. Salamat.

Mga Kasali sa Kwento:

1) Podi Alejandro
2) Si Camille Ganda ng "Moonflower Farm"
3) Si Allyn (di pwede sabihin ang blog title)
4) Si Kenny ng "BreakdownAndCry"
5) DR Part-Timers (Sila Ishmuh, Michelle, Leo, DR Batch 3 -Jona Shemai Bruce Jake Mommy Iris)
6) Si Nancy King, ang partner in crime ko sa PS dati
7) Ang mga Simply Amazing
8) Si Maam Myn
9) Si Sir Lito
10) ang mga consultants
11) Ang dating 'Ga na si Ioh
12) Si Jane Tabuzo ng gungho
13) Ang Birthday Girl Liza



PAULIT-ULIT
Kanina Pagbukas ko ng blog, inisa-isa ko ang mga nakalista sa "mga kaibigan" na section ng sidebar ko, naisipan ko lang buksan ang blog ni PODI, nakatutuwang kahit pano may nakasulat na dun, sapat na para maisip kong ok lang siya, at masyado akong nag-wo-worry sa mga taong hindi ko naman alam kung pano talaga ako patunguhan, hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami eh, matapos ng isang session sa YM, bigla na lang siya nawala, pinag-isip ako ng malalim, naapektuhan ako ng husto, kahit isang text, kahit pagsagot sa telepono hindi ginawa. So ano ba ako? WALA. masama ba loob niya sa akin? hindi ko alam. HIndi ko na siguguro iisipin pa ang mga nangyayari sa kanya, kasi wala namang silbi, ako lang ang naapektuhan. Bahala na. Pero sapat na para gumaan ang pakiramadam ko sa bago niyang post sa blog niya. Ingat ka parati. Nandito lang ako pag nandiyan ka na para sa akin. malabo.

CORPORATE-Y!
Kahapon, nung nalaman ko ng may "field trip" ako sa contact center ng kumpanya ko kinabukasan, inaya ko si Camille na mag lunch out sa Eat ng RCBC. Nagpakita rin ang mga SPL Worldgroup batchmates ko, kaya nakakatuwa. Pareho kaming nagulat ni Camille sa hitsura namin, naka "COSTUME" kasi kami, nakakatawa, at siyempre pag magksama ang Camille at Tauffer, mawawala ba ang PICHURAN? siyempre hindi!

Nabasa ko na rin ang updated blog ni Allyn, at hindi na PERSPICACITY ang nakikita ko (tama ba ispeling?). Sige labas tayo misan, miss na po kita! at ang Kenny, nag reply after 24 hours sa text ko ng "ang bigat naman ng trabaho mo" hahahaha, wasup tsong! paramdam ka naman.

CLUB MANILA EAST SA SUNDAY
Eto na! tuloy na toh! club manila east with PS friends, thanks Ishmuh ang Leo! Masaya toh!

Sana tuloy na plan sa celebration ng birthday ni Bruce sa 27, magkikita kita na ulit ang buong batch 3 na napakagaling! Miss ko na kayong lahat, sinong mag-iisip na magiging ganito tayo, eh noong training ang suplado nating lahat! hehehehe. Salamat ng madami Mitzi! Love yah! siya kasi ang may pinaka cute ng "tse!" at nagpapaalala sa akin ng mga bagay bagay, madami rin siyang updates, salamat po talaga. Si Mommy Iris naman, ginawan ako ng bagong testi sa Friendster, na touch ako sobra, salamat po mommy. Crush ako ni carpet? hahahaha!

Nancy! na miss kita! sayang wala ako sa Ayala kanina, sana nakita kita, gimik tayo ha? just tell me kung kelan tayo pwede :)

Mamaya lang, 2 hours na lang birthday na ni Liza! Happy Birthday! miss you po. Love yah! (madami kaming napagdaanan na pagsubok nito sa maikling panahon, nakaka miss)

Nag text si Jane (Tabuzo), napaaga daw yung punta niya ng Isabella, hope evrything's ok with your hubby. Thanks Jane.

SIMPLY AMAZING

Ika-apat na araw ko kanina sa bagong company, sabi ni Maam Myn sa history daw ng mga tinatanggap sa company, ako daw ang may pinaka maikling "IDLE TIME". Naramdaman ko nga eh, First three days pinakilala na ako sa mga consultants ng ibang IT companies na makakasama ko sa mga projects ko, pati na rin sa manager ng call center ng company, kasi ako ang nag-hahandle ng mga systems ng contact center namin. Ang dami at ang lawak ng scope ng ginagawa ko, pilit kong inaalam ang sistema hindi lamang ng kumpanaya namin, kundi pati na rin ang mga pinaggagagawa ng ibang consultants, kasi kami ang team sa pagbuo at pag-aayos ng mga info systems.

Kanina, dinala na ako sa call center ni Maam Myn para sa turnover, bakit parang pakiramadam ko masyado akong involved sa mga projects? Ang daming interaction, tapos may remote post pa ako, bukod sa Ayala station ko. Kanina nag run kami ng production test para sa isang sytem na dapat ay ok na, palakad lakad kami ni maan Myn to monitor kung ano na nangyayari at tinutulungan ang mga agents kung may problema sila sa paggamit ng system. After 4 hours, nag hang siya, na-alerto ang lahat, ang iba nag panic, na anxiety-attack ang mga agents, delayed ang response ng system. sabi ni big boss? "STOP THE TESTING" .. heto na naman, troubleshooting na naman. Nakakapraning na nakakatuwa. Ang. dami kong natututunan. hndi ko na pinahihirapan ang sarili ko, di tulad ng dati. Nakakuha ako ng tip kay Maam Myn, "wag mo masyado i-pressure ang sarili mo, mafu-frustrate ka", tama nga naman siya. Close na kami, as in. Salamat pala kau sir Lito sa pag offer ng help for Monday, officially ako na lang talaga mag-isa ang ta-trabaho sa Monday kasi sa Ayala na permanente si Maan Myn. Sa buong IT dept, ako na ang i-tag nila sa "MULTO" kasi parating wala sa Ayala office, hindi na si maam myn. Ok lang, mas masaya nga sa sites eh, kasi sa IT, di ko mapaliwanag ... hahahaha.

uyyy, o nga pala. Malambot ang kamay ni Developer Dennis ng Oracle! hahahaha, yun din kaya inisip niya sa kmaay ko? hmmmmmm.

'GA IS SHORT FOR PALANGGA
Kahapon, nagkita kami ni Ioh after ng work namin, nag part time kasi siya as barrista sa isa sa mga Coffee Shops sa Ayala, habang nag-aaral. Ang pinaka vivid ng alaala ko sa kanya eh yung nasa UST pa ako. Minsan pag lunch pupunta siya dun, nag ti-tyaga para lang magkasama kami. May time na tumambay din kami sa Benavides, nagkukwentuhan, nakahiga siya sa lap ko, ako nakatingin sa stars .... hahahah nakakatawa naman ikwento toh, pero ganun talaga. Nasita pa kami ng umiikot na guard ng school, sabi sa kanya, bawal po "humiga sa bench" . LOL! dami pa rin siyang kwento. dati natanong niya nung may prob siya sa lover niya, "Bakit ba hindi naging tayo?" .... bakit nga ba? hindi ko rin alam.

Thursday, May 27, 2004

Photography

Kanina lang, napadala ni Camille yung updated na blog ni Jakee, nakaka inspire tingnan yung mga shots siya, nagustuhan ko yung sa ballet philippines, si camille naman gusto yung sa food, ang galing niya talaga, sabi ko kasi may mata siya sa magagandang anggulo at meron siyang magandang camera na sumusuporta sa mga ideas niya.

Dati ko pa iniisip na kumuha ng photography lessons, pero hindi lang pinapahintulot ng oras, at salapi. Parang ang mahal na luho nito pag nagkataon, kaya naman inaabuso ko ang aking CamFone hindi nga lang kagandahan ang quality.

Tinanong ako kanina ni Supervisor Van kung kumuha daw ako ng photography lessons, I honestly answered "No". Maganda daw kasi yung anggulo nung iba kong kuha, nakakatuwa naman na may nakaka appreciate dun, salamat sa inyong lahat :)

salamat sa mga sumusunod na nagbibigay sa akin ng gasolina para kumuha pa ng marami ...

1) Camille - "ei, ang ganda ng pics! akala ko camera ginamit, phone mo pala. ang sayay saya!!! "
2) George - "nice pics... ang ganda ng mga kuha mo... nawala phone ko kaya wala ako mai share when i went to puerto also... nie shoots... professional... galing galing... "
3) Mary - "wow, nice shots... are you a photographer? the scenes: good choice, the photos: they're amazing!" lol!
4) Iris - "hello Tauf! nice pics!!! tipong makaka-gawa ako ng isang magandang tula sa mga scenery na ito!!! ang sexy mo tsong!!!"
5) Jane - "wat da heck phone ba talaga yan.. i'll get one na rin..lol tauf may future ka pala as a cinematographer..take note d fotographer, pero puede na rin.. ang galing ng shots.. "

Sa mga hindi pa nakakabisita, mas marami pang pics sa pbase ng panibugho ... www.pbase.com/panibugho wag kalimutang mag iwan ng comment sa gallery.

Quality Response

Salamat kay Nina Ricafort ng Quality Response Team sa pagbigay sa akin ng mga grades na nag average na 99% para masama ako sa listahan ng Top Performers. (Kung kelan naman ako paalis na sa company) LOL!

Isa itong magandang alaala na maiiwan sa PeopleSupport. Go for the sale! Viva DR Part-Timers!

Wednesday, May 26, 2004

Six Feet Under Season 3!

kagabi, aksidenteng naabutan ko yung 2-EP season premier ng Six Feet Under sa HBO, astig astig astig! mahal ko talaga to!

Tuesday, May 25, 2004

Bagong Umaga

Bawat buhay ay may patutunguhan
Bawat pangarap ay may katiyakan
Sa puso mo, huwag mabibigo
Nasa iyo ang kapangyarihan
Nasa iyo ang pagkakataon at tagumpay

Halina kayo't gumising salubungin ang bagong silang
Halina kayo't tumulong lipulin ang dililm

May bagong umagang parating
May bagong umagang parating
Bagong umaga, bagong umagang
Parating...

Bagong Umaga (Bayang Barrios, Mike Villegas)


Lumalaki akong paurong, mas matalino at mapagkakatiwalaan ko ang "CHRIS" ng nakalipas sa "TAUFFER" ng kasalukuyan.

Nakakainis isipin na kapag may mga taong nagtatanong sa akin tungkol sa mga bagay na dapat ay alam na alam ko, wala akong maisagot na matino. Kinalawang na siguro ng kabagutan ang mga naipundar ko sa aking kaalaman. Matagal ko ring napabayaan ang aking sarili, ngayon nangangapa na naman ako sa mga bagay na dapat ay dati pa, gamay ko na. Isang linggo na lang lilisanin ko na ang contact center na ito, at lilipat sa isang telecommunications company para maging systems development analyst. Mas pinagkatiwalaan nila ang kakayahan ko, kesa sa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung mapapantayan ko ang inaasahan nila mula sa akin, hindi ko alam kung matutumbasan ng magagawa ko ang suweldong inalok nila sa akin, madami na talaga akong hindi alam sa sarili. Kahit pa, excited na ako sa panibagong pagkakataon na ibinigay ng tadhana, madami-dami na rin akong pagkakataon na pinalampas ... panahon na para maging seryoso't tutukan ang oportunidad na ito ... Simply Amazing!

isang bagay ang natuklasan ko sa mga nakalipas na buwan, nilason na ng pagiging emosyonal ang sistema ko. Parang hindi na umiiral ang tamang pag-iisip sa mga desisyon na binibitawan ko, tinatangay na lang ako ng kung anuman ang aking nararamdaman. Kung malungkot ako, mag iisip ako ng paraan para tumakas. Senyales na pagiging isp-bata, gusto ng mabilis na pagtakas kung hindi na maligaya. Hindi dapat ganun sa buhay. Pero para akong alikabok na sumunod sa ihip ng damdamin, ng hindi masyadong nag-iisip, kaya kung saan-saan ako napadpad. Kahit pa, swerte na lang sigurong hindi ako nagkaroon ng malaking pagsisisi sa mga naging desisyon ko. Mabait pa rin sa akin ang sansinukuban, kaya dapat maging mabait din ako sa kanya.

Kung may mga bagay na madaling takasan, mayroon din naman na pilit na kumakapit kahit ano pa aking gawin ko (o baka naman ako lang ang ayaw bumitaw). May mga pantasyang mahirap kalimutan, kasi sila na lang ang nagpapaligaya sa akin kung minsan. Pero tulad nga ng salitang pantasya, wala itong katotohanan. Parang nagtatago ako ng hangin at umasang balang araw magiging bato iyon, bagay na pwede kong hawakan at maramdaman, ibato kung nararapat, basta totoo. kagabi nag away na naman ni RG, parati na lang ganun. Simula noong natapos yung relasyon namin dalawa, naging mahirap na para samin na maibalik ang kahit pagkakaibigan man lang. Kagabi, pareho kaming sumuko sa isa't isa. Move on pare ... move on. Dapat lang talaga.

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong 'pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan tuwina
Doon lang ...

Doon Lang (Nonoy Zuñiga)

tuwing iniisip ko ang kahulugan ng mga letra ng kantang ito, tama ngang sa panaginip lang pwedeng gawin ang hindi kaya sa tunay na buhay. Ang nakalipas ay parang panaginip lang. Darating ang oras na magigising ka't pagbangon mo, may bagong umagang sasalubong at magbibigay ng bagong pag-asa, kung hahayaan lang nating mabuhay sa kasalukuyan, kalimutan ang nakaraan, at humarap na tunay na kinabukasan, nang hindi nagpapadala sa panaginip na dumapo minsang tayo'y natutulog.

Saturday, May 08, 2004

Inabuso Ako!

Common Ground
Kagabi sa Common Ground, Malate, may mga kababaihang hinihimas ako sa balikat, at hindi ata nakuntento, pati buong likod ko hinimas!

Dan Eric's
Nagdala si Super Sup Shey ng Dan Eric's ice cream kanina, masarap siya at mura in fairness...

Thursday, May 06, 2004

Bagong Pagkakataon

ayan, matapos ang tatlong oras na paghihintay na maayos ang lahat na nabulilyasong log-ins ko sa office, empleyado na ulit ako ng PS. Kasama na ako sa distribution list, na-scale na yung cms log-in ko, Mavcomm priority 1!

trabaho, trabaho, trabaho!

Sinong May Sala?

Ok, nag pass ako ng resignation letter last thursday, I was hoping na mapipirmahan agad yun ng team manager, pero hindi. Late na, tuesday ko na nakuha yung pirmadong documents, kung hindi pa ako nakiusap sa isa sa mga empleyado dito. Salamat kay Siege na nag asikaso ng mga dokumento, at kay Leo na napakiusapan kong papirmahan yung mga yun.

Kahapon ng umaga, nagpunta ako sa HR para ibigay lahat ng kailangan, pati na rin yung mga training manuals para sa clearance. Ang linaw na nakalagay sa resignation letter na effective MAY 30 pa iyon, at sa exit interview, nasabi ko rin yun, pero bakit ganun! pag pasok ko kaninang tanghali, sabi ni mitzi "Wala ka na sa outllook!"

Tinanggal na pala ako sa distribution list. Sa loob-loob ko, madali lang yan, konting tawag lang yan sa helpdesk, ok na. Kaya naman nag log-in ako sa station ko para maayos ko na yung mga tools.

"Your account has been disabled!"
ampucha!

Bakit ganun? sobrang hassle, di ako maka login sa station ko mismo! Yun pala, nasama ako sa May 5 termination, kahit na MALINAW na nakasaad sa resignation letter ko na May 30 effective yun. Nakakainit ng ulo! Buti na lang tumulong agad si Allan, siya na alng ang naasahan ko ata sa HR eh, ewan ko ba! pati sa callmaster ko hindi ako maka login, kaya eto, wait ako ng ilang taon para maka login ako, BUSET!

Na-badtrip na nga ako sa forcedesk team at finance kasi kulang yung bilang nila sa oras ng trabaho last pay period, tapos ito pa!

pabaya ... nakaka disappoint ...

Tuesday, May 04, 2004

Karton

Nagkaroon ng party ang Direct response account sa Dencio's noong sabado. kasabay ko si Mia dumating, matapos namin manggaling sa Dusit Hotel para sa numbers na old contacts niya. Masaya, madaming gaguhan, madaming pagkain ... at siyempre, sa mga pagkakataong libre tulad noon, inabuso namin ang bawat sandali ... nakainom pa ako bago pumunta ng opisina (bawal!) ...

Mag isa akong naglakad patungong Ayala, mula sa Paseo Center. Malamig ang gabi, konting init lang ang dulot ng limang bote na mig-light. Habang nag aabang ng sasakyan papuntang opisina, nakasalubong ko ang isang matandang lalaki, pagod na pagod habang bitbit ang di-kalakihang bag, at ilang piraso ng karton ...

May dumaan na bus, sasakay na sana ako pero parang hindi kayang lumihis ang tingin ko sa matanda. Dahan dahan niyang inaayos ang karton sa sementadong bangketa ng Ayala, parang gumagawa ng paraan na mabawasan ang epekto ng lamig ng sahig sa mahina niyang katawan. Apektado ako, parang dinudurog ang puso ko habang minamasdan siyang naglalabas ng ilang piraso ng diyaryo at kontong kendi na ibebenta sa gabi. Di siguro aabot ng isang daan ang pwede niyang kitain mabili man lahat ng paninda niya. Nahabag ako.

Habang ang ibang taga DR ay nagsasaya at nagpapakabusog, ito si tatang, tinitiis magpakapuyat para kumita ng salaping tatlumpung minuto lang i-uupo ng isang part timer na tulad ko. Pano na ang kanyang pamilya? may pamilya pa ba siya, baka naman binubuhay niya ang sarili niya sa pagtitinda, maraming posibilidad, pero isa lang ang malinaw ... masuwerte pa rin ako.

Siguro napaka immature ko na parang sa sarili ko umiinog ang mundo, parating ako, ako , ako. Ang dami kong reklamo sa buhay, pero minsan, kinakailangan ng isang tatang para makita ko ang tunay na buhay ...

Saturday, April 17, 2004

What’s wrong with you!

April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …

Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.

“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …

Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …

What’s wrong with me?

Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.

Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move pare, sabi ko sa sarili.

Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.

Isang araw naka receive ako ng text:

“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …

parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.

Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …

Kanina lang nag text ako …

“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …

Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …

Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.

“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”

katahimikan…

“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!

he hung up.

Sunday, April 11, 2004

Sa Pagiging College Usher

tatlong linggo na yata yung nakalipas nung nagsipagtapos ang nga tomasino ng 2004. Inisip ko tuloy, ano kaya yung uniform ng mga ushers ngayon? Noong panahon ko, 2002 junior year ko yung sa UST, naka chinese collar na pinyang barong kami, gustong gusto ko yun kasi ang ganda ng texture nung barong, saka yun ang pinakamahal na barong na nasuot ko (syempre school ang nagbayad), yung mga babae naman, muslim inspired na uniform, ang ganda ng effect, pag magkakasama kami para kaming flight attendants ng PAL. yung batch naman after us, hand painted yung barong nila, parang yung kay Noli de Castro dati sa TV Patrol, parang gradient fill ng white and light blue tapos yung mga babae may shawl ... parang may cotillon.

Ni minsan hindi naman sumagi sa isip ko na maging usher, sa loob loob ko ang hindi naman ako bagay diyan, gwapo't magaganda lang na mejo popular ang tinatanggap diyan, puro kaepalan! pero noong minsan naimbitahan ang dalawa sa mga kaibigan kong babae na magpunta sa screening, na excite ako for them. Siyempre full support ang buong barkada, sinamahan namin sila sa labas ng screening room. Wala kaming idea kung ano ang mangyayari sa loob. Nagulat ako ng makita ko yung prof ko, isa pala siya sa mag screen, siyempre feeling close siya ever, nabuyo kaming lahat na mag pa screen, di naman kami prepared kasi dapat pala dala yung copy ng grades kasi may cut off na average, di ko alam kung height limit ... basta napalista kaming lahat para dun.

Di komportable yung screening, ang lupit nung interview, natatawa ako kapag naaalala ko yung mga tanong sa akin, about terrorism, what do i think about the government's stand about the issue, what do y0ou think bout abortion ... at kung anu ano pa, siyempre na challenge ang english ko (haha, parang hindi nagtatrabaho sa call center) ... lahat ata kaming lumalabas ng room namumula pagkatapos, puro sensitive kasi yung mga tanong ... about morality, current events, etc.

Ok, after 1 week na confirm na tanggap kami ni mabel, nakakalungkot na yung 2 friends ko na na invite, sila yung hindi nakuha ... Nakakapagod pala maging usher, ang daming meetings, ang daming plans, pinag aaralan kung saan possible maggaling yung guests, kung pano sila i-receive, kung san sila dadalhin, kung sino-sino ang assigned sa isang location ... ang dami! noong college of science week lang eh, di na kami magkanda-ugaga sa dami ng gagawin, nag overlap pa sa mga class and exams, mukha akong ewan na naka kamiso tsino ako sa class, tapos after noon babalik na naman sa post. Di pa kami magkapareho ni mabel ng shift, so hindi kami madalas magkita.

Nakaka-kaba mag receive ng important guests, kelangan super PR mo, pero nakakainis mag assist ng mga bata! haay, di ko makalimutan noong na-assign ako sa exhibits, kinailangan ko pa dalhin sa ibang building yung buong class ng bisita! "OK maam, pls follw me, we're going to the gradutae school for ...." sunod naman yung mga kids sa adviser nila, na sinusundan ako, haay nakalimutan ko na yung mga small talks namin nun! ang hirap pala! Noong may synposium sa Medicine Auditorium, sabi nung head nung department namin "ang gwapo ni Mr Ng ah!", siyempre kunwari embarassed ako pero kilig naman.

Wala na siguro mas nakakapagod pa sa graduation mismo, ang hirap pag-aralan ang buong PICC, kung san manggagaling, kung pano mag march yung graduates, kung pano i handle yung guests, kungpano ihandle yung parents, kung pano pigilan ang lahat from taking pictures! may inaway pa ata akong magulang eh, nagpupumilit kasi, pinagsabihan ko lang naman. Pero sulit naman after.

Parang ang elegante na lang noon kapag may event, na parang sinemento ng gel ang buhok kong mejo mahaba pa noon, kasi kailangan, tapos hawak-hawak ko yung pinyang barong papasok sa school ...

Saturday, April 03, 2004

Passion of The Christ

Napanood ko kagabi yung movie, with May, dapat madami kami, kasi usapan last week na Friday nga papanoorin yun, pero wala naman sumipot :), na udlot din yung lakad namin ng SPL batchmates kasi nga super daming deadline sa company, kaya ayun, kami na lang best ang nanood. Super violent, or should I say "realistic" nung movie, mas nakakatakot panoorin kesa sa pagkatay ng baboy. Mejo nakakagulat ang mala- "exorcist" na music sa simula. Nakakatawa kasi sabi nung isang babae sa likod ko, "ang guapo naman ni Jesus, nagkakasala ako!"

Gusto ko siya kasi hindi siya masyadong religous, pinakita lang talaga yung suffering, hindi masyadong suggestive na "kailangan ito ang relihiyon mo!", pero ang sama ko na lang siguro talaga na pagkatapos ng movie, tumawa ako ng malakas habang lumalabas ng movie house, para kasing after manood, yung mga tao sobrang nagmumuni-muni, ang tahimik, nakayuko .... parang bumait ang lahat (except ako) pagkatapos nito.

Tuesday, March 30, 2004

Responsibilidad

Pagiging Ninong

Dati pa, umiiwas na talaga ako sa pagiging ninong. Masyadong malaking responsibilidad iyon, gusto ko pag naging ninong ako, handa na ako. Yung hindi lang pagpirma sa papel at pagbigay ng regalo kapag kaarawan o pasko, yung tipong handa na talaga akong tumayo bilang pangalawang magulang. Napaka immature ko pa, marami pa akong reklamo sa buhay at gulo na kailangang maayos, ang pagtanggap sa isang mabigat na responsibilidad ay hindi pa nararapat.

Pero noong nakaraang Linggo, hindi ko naiwasan. bininyagan si Richford at Juliana, kay Juliana nagawa kong sabihin ang naiisip ko sa pagiging ninong, pero yung kay baby richford, di ako naka-iwas, unang anak kasi ng pinsan kong babae. Sana magabayan ko sila hanggang sa paglaki nila.

Trabaho
Sige na, aaminin ko na. Naiiinis ako na lahat na lang ng priority ng accounts nasa aming part timers, tapos karamihan sa mga fulltimers ay puro phone sims lang! Isipin mo pang kami yung ginigipit sa oras at di binigyan ng trabaho sa holy week, sino ba namang hindi magagalit!

P
Dapat magkikita kami ni P ngayon, pero mukhang di gusto ng pagkakataon, tinatrabaho niya yung web page ng isang grupo, at ako'y naghihintay ng 6pm para matapos ang trabaho. May meeting pa ata mamaya, at may kasunduang kailangang matapos, di ko lang sigurado.

Mainit ang ulo ko, wag niyo ako lapitan!

Saturday, March 27, 2004

50 First Dates

Sa sobrang walang magawa kagabi, napagkasunduan namin na manood ng Fifty First dates matapos tumambay sa Greenbelt, kasi sabi ni May nakakatuwa daw, kasama ko si May, Earl, at si Mark. Parang ang hirap nung situation na pag-gising mo, nakalimutan mo na ang nangyari ng buong araw, pero kung halos araw araw ka mai-inlove, parang ang sarap nun!

Monday, March 22, 2004

Hangin ng Kabataan ... Pagbabalik Tanaw

Higit sa init ng hapon, napansin ko ang lakas ng ihip ng hangin na nagpapatunay na summer na nga talaga. Kakaiba siya, di tulad ng nakasanayang simoy nito, para siyang hangin ng kabataan, noong panahong hindi pa masyado uso ang computer games, at ang libangan ng kabataan ay ang paglalaro sa labas. Oo't adik ako noon sa computer, di pa masyado laganap ang teknolohiya noon, family computer pa lang ang pinaka High Tech na masasabi. Isa ako s mga batang nakakatapos ng Super Mario ng walang warp zone, na nagkaka hundred lives sa 3-1 ... pero mas nalilibang ako pag ako'y nasa labas.

Madalas ako mapagalitan noon ng aking lola, pagkatapos kasi ng tanghalian, magpapalipas lang ako ng konting oras at lalabas na ako, maghahanap ng pwedeng gawin. Para akong nakalaya sa kulungan. Minsan pag walang bata pupunta ako sa palaruan ng village, mag iipon ng malalaking bato, itatali sa kabilang dulo ng seesaw, at sisimulang maglaro. Pag may dadating na bata, pauupuin ko siya sa kabila pero di ko pinatatanggal yung bato, minsan mas enjoy pa kung bato na lang yung kalaro. Na adik din ako sa gagamba at tutubi. Maraming beses na nagtatakbuhan kami ng mga kalaro ko sa talahiban makahuli lang ng tutubing kalabaw, pupunitin ang pakpak para hindi makalipad, at pakakainin ng mga damo. Siyempre nagkaroon din ng panahon ng salagubang.

Isa akong batang kalye, di iyon maikakaila. Elementarya, di talaga ako nag aaral noon, nagtapos akong common sense lang ang pinapairal, hindi talaga ako nag re-review, kasi sa tingin ko hindi iyon ang buhay. Mas masarap umuwi ng maaga't abutan ang malakas na hangin para makapagpalipad ng saranggola na may bubog ang pisi! First year high school, bata pa rin ako noon, 5'6 na ko pero mas pinipili kong umuwi na lang kesa magtagal sa school para sa mga group meetings. Hassle talaga pag nasa pilot section, ang daming pinapagawa ng mga guro, istorbo sa kabataan ko, istorbo sa pagpapalipad ng saranggola! 2nd year na ako nawalan ng panahon sa kalye. May nakabalitang nag cultural dance troupe ako noong elementarya at kinuha ako para sa isang inter-school competition. Sa turo ng isang bayanihan dancer, nanalo ang grupo, at iyon ang simula ng sunod sunod na kompetisyon, district, division, regional, invitational, ang kung anu-ano pa. madaling araw pa lang nasa school na ako, at dahil sa mga rehearsals halos 9 na ako ng gabi nakakauwi, literal na sa paaralan na ako nasisikatan at nalulubugan ng araw. Di pa rin ako nag aaral, at wala nang panahong makapaglaro.

Dumating ang panahon na pinagsama ang cultural dance troupe at modern jazz group ng school, madaming issues pero wala kaming magawa. napilitan akong mag stretch hanggang sa mabali ang aking mga buto. Iba ang lambing ng folk dance sa intensity ng jazz at hip-hop. Na disorient ang sistema ko
sa pagsayaw. Sa ilalim ng miyembro ng Chameleon Dance Company, nakalimutan ko ang singkil, tinikling, paso doble, chotis, at binasuan; nakalimutan ko ang bahag, patajong, kamiso tsino, at barong; makalimutan kong maglaro.

Simula iyon ng pagtalikod ko sa kabataan. Bata pa rin ako, pero ibang laro na pwedeng gawin. Hindi na dapat isip bata. Pero nakaka miss lang yung panahon na wala masyadong iniisip, na kapag dumampi na sa pisngi ang simoy ng amihan, oras na naman ng pagpapalipad ng saranggola.

May mas suplado pa pala sa akin!

Sabi niya kanina pinili daw niyang maging suplado ..... "What does it matter to you anyway" dagdag pa niya. Suplado talaga! Magmula nung aksidenteng na-delete ko siya sa friendsters ko, hindi na niya na-accept yung invitation. Mga sampung beses na ata yun.

"Siyempre affected ako coz i was trying to reach out, pero ni-reject mo naman yung invitation sino ba namang hindi magtatampo, pero wala naman ako magagawa doon, respeto na lang". sabi ko

"I didn't ask for you to reach out anyway" - ineluki

So anong issue ngayon? Sabi ko hindi naman siguro kailangang ipaalam pa niya para ma invite siya, pinili niyang maging suplado, pinili kong kaibiganin siya ulit, tinanggihan niya. Tapos. Marami lang siguro akong hindi alam sa mga nangyayari. Dapat ipagpatuloy ang nasimulan nang hindi pagpansin sa kanya. pero minsan kasi sa kanya lang ako nagkakakuha ng balita tungklol kay P.

Nangihinayang lang ako kasi isa siyang mabuting tao, at masarap kaibiganin SANA. Pero kailimutan na natin yun! yun naman ang gusto niya eh.

Noong isang araw nag reply si P sa mga tanong ko, nakakatuwa. Wala lang, natuwa lang ako. Sabi ni C busy daw si P sa academic affairs. Goddluck at best wishes sa kanya :)

Thursday, March 18, 2004

Masarap daw ako! waaaaaaaaah!

nagpasama si May sa pagpapa-relax at rebond niya ng buhok ... kasi noong huling punta namin ni Yya sa UP nakita ni May na maganda yung resulta ng hair treatment ni Yya, kaya na-enganyo din siya. Siyempre hindi ko naman siya pwedeng iwan doon at umuwi na lang bigla, kaya sinamahan ko siya hanggang matapos ang "OPERASYON", hehehehe Joke lang May.

Tinanong daw noong nag-aayos sa kanya kung boyfriend niya ako, kasi naman lahat na lang ng sinasamahan kong babae napagkakamalang boylet ako! (Ako ang nangangailangan nito!)

May: "Hindi .... hindi yun talo noh .....".

Parloristang Bading: "So big mong sabihin ano din siya? ang dami na talaga ano?"
Parloristang Bading: pahabol "Pero masarap siya ha ..."

Waaaaaaaaaaah! ano ba yun! sila na ba ang market ko ngayon? haaaay buhay. At least may mga nagnanasa pa pala sa akin, hehehe! ano ba yun! Nakuwento kasi ni May sa gig ni mia eh, kaya natawa na lang ako....

Salamat pala Mia, at mukhang ikaw lang ang nakaka appreciate ng katawan ko by saying na im fit. hehehehe. Powerdance na ito!

Mia's Gig at Club Chill

Nakapag decide ako na magpunta sa club chill at panuorin ang aking katrabaho (bagong DR full timer) na si Mia sa kanyang gig, malapit lang naman ang aking tahanan sa Morato area at pumayag naman si Rommel na samahan kami ni Bestpren . Siya ang kauna-unahang DR full timer na nakilala ko. Sa opisina pa lang, kapansin pansin na ang galing niya sa pagkanta, na sasabayan pa ni Halleberry at Mommy Gina parang libreng concert sa floor. Super warm and friendly ni mia, kaya naman nakakasundo ko siya, eh madalas na lang kasi akong topakin diba, at lahat na lang ng tao iniisip na suplado ako (diba camille? siguro totoo ...)

Ang sakit ng ulo ko kahapon pag-uwi, mga alas tres ng hapon... nakatulog agad ako, at nagising ng alas otso para maghanda. Hinintay ko lang yung go signal ni May at ayun, kumuha ako ng cab patungong Timog. oo, timog ... tinanong ko kasi si Camille kung saan ba yung Chill sabi niya sa Timog daw. Nadaananan na rin namin yun ni Cla noong minsang nanggaling kami sa Pioneer Highlands, so iniisip ko na sa Timog nga siya. Binagtas namin ni manong driver ang kahabaan ng Timog, at wala kaming nakitang Club Chill. Ang sinasabi kong landmark na SBC ay hindi niya mawari! at kung anu-anong club ang sinasabi niya (yung alam mo na, may nangyayari sa dilim) .... mabait naman si manong pero mukhang iniisip niya na manyak ako kaya kung anu-anong club yung sinasabi niya. Tinawagan ko si May at nalamang sa Morato nga iyon. Nakita na rin namin yung lugar sa wakas.

Inaasahan ko na makakakita ako ng mga pamilyar na mukha pag akyat ko, ang pagkaka-alala ko kasi, pupunta daw sila Kenny, Allyn, Gina at ang iba pang DR Full timers (part time kasi ako, at wala akong nakitang part timer dun, so feeling ko ang epal ko na naman, as always). Si Camille kasi sabi niya nagkaroon ng konting aberya kaya di siya makakatuloy. Pag pasok ko, si Mike(Michelle) lang yung nakita kong pamilyar na mukha, at yung mga kasama niya? di ko kilala. Pero pinalipas ko na rin yung oras hanggang sa dumating si May at Rommel.

Kwentuhan... inom ... kwentuhan ... lagok ng Strong ice ... Papak sa sisig at fries ... at order pa ng mas maraming Strong Ice! (Ang sarap talaga ng san mig). Ang tapang namin na umiinom kami gayong may trabaho kami kinabukasan, ako 9am sa bagong building ng PeopleSupport (ExportBank Building sa Pasong Tamo, 21st floor just in case dadalaw ka), at si May? 6am! siyempre ginulo ko rin ang sched ni rommel na magtatrabaho pa sa ospital.

Magaganda yung songs ni mia, at ang galing niya. Nakapag kuwentuhan pa kami pag may pagkakataong hindi siya kumakanta, nakakatuwa. Mag a-ala una na yun ng umaga at tinapos namin yung buong set niya. paalis na kami noong tumawag naman si mike, tinanong kung hanggang anong oras pa kami, wrong timing talaga parati itong kaibigan naming ito! 12:30 na nun, kakatapos lang daw niya magtrabaho (at hindi siya sa call center). Sana magtagpo rin ang schedule namin minsan para makalabas ulit kami, kasama ng buong barkada (Calling Friday the 13th!).

Pag uwi ... tulog ... parang karugtong nung sakit ng ulo ko ng hapon, pero naipahinga ko naman ng maayos, salamat sa mahimbing na pagtulog ... salamat sa Strong Ice!

Monday, March 15, 2004

THOMASIAN 2003 Yearbook at bagong phone

sabi ni Yya, na-release na daw yung Thomasian Yearbook, kaya dadalaw na naman ako sa aking mahal na pamantasan para makuha ang kopya ko. Ano kaya ang hitsura nun? dati kasi sobrang pormal ng outline, ngayon kaya? ano kayang pic ko ang nandun? colored kaya? dami kong hindi alam ah! parang ang alam ko nagbayad lang ako noon ng graduation fees at kasama ang Thomasian sa binayaran ko, yun lang, pero kahit anong idea about it la na akong alam! hahahaha :)

Ngayon tuloy iniisip ko kung kelan naman ilalabas yung College Annual ng Science, ito talaga pinag ipunan ko noong panahon ng kagipitan para magkaroon ako ng kopya! ang dami ngang arte eh, may baby and barkada pics pa, wish ko lang maayos nila yun, yung di ako madi-disappoint sa kalalabasan. Tinatapos na daw yung digital copy eh, saya matapos na yung print.

Excited na ko! hehehehe.

Si bestfriend nag decide na pumunta rin sa USTe mamaya from work para masamahan namin siya ni Yya na magpa-relax na hair... matagal na niya tong plano ... maganda kasi yung result nung kay Yya kaya na enganyo na rin siya ... Konti na lang part na rin siya ng Jawbreaker kahit na from UP Econ cya ... hehehehehe

Gumawa ng tagalog na post si P. nakakatuwa, hindi ako sanay eh. Siyempre di ko alam kung sino si A pero natutuwa ako na hindi naman masyadong mabigat yung bagong post niya. Miss ko na siya, sana magparamdam ulit siya :)

Sana makabili na kami ni best ng phone, pinaplano naming bilhin yung 3660 sa madaming kadahilanan. Katas ng pag chachat sa office at pagsu-surf at pag bo-blog! ang hirap ng trabaho ko! hehehehe.

Sunday, March 14, 2004

Muling Pagkikita: Gabi ng Jawbreaker

March na, halos isang taon na rin pala kaming hindi nagkikita ng mga kabarkada ko sa Unibersidad ng Santo Tomas, mula noong nagsipagtapos kami sa aming kurso. Isang taon pero parang kahapon lang, isang taon pero parang ang dami nang nangyari. Buti na lang nasabi ni May na luluwas siya ng Maynila para sa isang training sa Caltex, at nakapag-setup ng gabi para sa muling pagkikita ng kinatatakutang barkada.

Dinner sa Temple, tuloy ng Jupiter, tambay sa Malate ... kwentuhan to the max!

Ang sarap talaga kasama ng mga kabarkada ko! Oo't iba't iba kami ng pinanggalingan, iba't iba ng personalidad, hindi ko nga maisip na magiging kaibigan ko sila noong unang semestre ko sa kolehiyo ng agham, pero pag magkasama kami, wala na kaming pakialam sa ibang tao sa paligid, parang may sarili na kaming mundo ... ang saya! Iba talaga pag mga totoong tao ang kasama mo, walang pagkukunwari, komportable kang maging ikaw kahit ano pa.

Nakakatuwa ang ilan sa mga pagbabago. Ang kaibigan kong Intsik na dati'y alas diyes pa lang ng gabi ay nasa bahay na, ay siya pang nagpilit na palipasin na namin ang gabi bago umuwi. Ang dating kulot, straight na, ang dating payat (ako yun!) ay bumigat ng konti, may nakahanap na ng bagong trabaho, pero ang dating blooming, blooming pa rin.

Naging sapat ang buong gabi para mapag usapan namin ang lahat ...
Sana'y manalo sa darating na halalan bilang mayor ang daddy ni May para makapag out of town ulit kami!

Wednesday, March 10, 2004

Found out what dark blue means

Nalaman ko na rin kung ano ibig sabihin ng dark blue sa mood rings, kapag suot ko kasi iyon parati na lang siyang DARK BLUE .... romance pala pag ganun. So parati pala akong nasa romantic mood .... asus!

Pagpapasalamat:
Salamat sa magandang umaga
Salamat sa ligtas na biyahe sa trabaho
Salamat sa libreng kape sa opisina
Salamat at hindi ako late ngayon

Friday, March 05, 2004

Liham Para Kay P.

Wala akong ibang gustong alalahanin kundi yung panahong pakiramdam ko nandiyan ka parati pag may hinaing ako sa buhay ... Oo, hindi ka nagsasalita, hindi ka makwento, pero ang pakikinig mo ay sapat na para maging interesante ang oras na nakakausap kita. siguro masyadong malalim lang ang pananaw mo, o di ko lang masakyan ang ilan sa mga piliosopiya mo sa buhay, bagay na ikina-misteryoso mo sa akin ... Di ko alam kung anung iisipin ko nun, wirdo ka ba o sadyang henyo lang? Henyo .... isa kang henyo, di iyon matatawaran.

Ipagpatawad mo kung naging bahagi ka ng kabaliwan ko sa buhay, lahat naman siguro tayo merong nagtatagong kabaliwan, nagkataon lang na "at peak" yung akin nung time na yun. Aminado naman ako diba, gago ako ... sana lang naintindihan mo, tulad ng pagpilit kong pag-intindi sa 'yo. Alam mo minsan di na kita masakyan. Siguro kailangan ng utak ni Einstein para magkatugma ng brain waves natin, at makita ko ang naiisip mo. Pero siguro di naman kelangan yun kung naging bukas ka lang. Yun siguro ang problema, di kita maintindihan kasi hindi mo rin siguro gustong intindihin kita. Naging mahirap na mga araw yun, noong pakiramdam ko ang kulit kulit ko .... hanggang dumating sa puntong binura ko na lang yung numbers mo. Hindi mo gustong maintindhan ka ...

Nasabi mo minsan na di tayo pareho, malamang, wala nang mas obvious pa dun. Di ko alam kung anung pagpapakahulugan mo pero tama ka. Masyado lang ako naging apektado, kasi siguro noong mga panahong iyon .... minahal kita. Siguro.

Wala naman ako ninais kundi ang maibalik sa matinong pagkakaibigan ang kung anuman. Yung makakausap kita uli. Hinihintay ko yung panahon na mga ri-ring yung telepono, at pagsagot ko'y ikaw ang tumawag ... mag-uusap tayo ng tungkol sa wala lang, kasi wala lang ... Pero nakikita kong malabo iyon, at nirerespeto ko ang desisyon mo. Nalulungkot alng ako kapag nababasa ko yung entries mo sa blog, nararamdamamn ko yung galit mo ... pero wala akong magawa. Kasi, siguro nga, Ayaw mo rin na may gawin ako ... pero sana hayaan mo ang iba na makibahagi sayo ... di man kita maintindihan ... sila man lang.

Anu ba tong pinagsususulat ko? Nasa tama ba akong katinuan? Alam ko ba yung pinagsasasabi ko? marahil hindi ... kasi hindi mo naman ako nabigyan ng pagkakataong alamin ang dapat .... siguro nga di rin kita naging kaibigan kahit minsan ... siguro ...

Ano sa tingin mo, P?

Isang Gabi ng Pagmumuni-muni

Feb 27, napagkasunduan naming magkakaibigan na manuod ng "Agnoia", play ng PETA na kinabibilanagn ni she, isang kaibigan. Iyon ang kauna-unahang PETA play na napanood ko, na kung tutuusin ay isang pagkakataong matagal kong hinintay, bata pa lang kasi ako'y mataas na ang respeto ko sa grupo.

Interesante ang dula, buhat ito sa nagwaging akda sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ipinakita ang iba't ibang katangian ng mga astrological signs at kung papaano nakaka-relate ang bawat karakter sa horoscope .... madaming malalalim na eksena, talagang mapapa-isip ka. Lahat ay may kani-kaniyang pananaw o pagtingin sa bawat sitwasyon ... marahil lahat ng dahilan at ekplenasyon ay tama ... depende na lang sa pagtanggap mo sa mga argumento.

Naging magandang gabi iyon para sa pagmumuni-muni. Ang Rajah Soliman theatre, sa Fort Santiago, Intramuros ay di kalakihan, sapat lang para magkaroon ng komportableng upuan ang mga manonood. Ang pumapalibot lang sa lugar ay ang batong dingding, walang anumang harang sa kalangitan. Maliwanag ang buwan, walang ulap, at masiglang nagniningning ang mga bituin ... Masarap mag-isip hindi lamang sa katuturan ng mga linya sa dula, kundi pati na rin sa sarili ... habang dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa mga pisngi.

Marami rin akong naisip noong gabing iyon.

Thursday, March 04, 2004

Question and Answer

Sa sobrang walang magawa, nagbasa ako ng bulletin sa friendster at nagawang sagutan ang ilan sa mga katanungan ... pareho ba tayo ng pananaw?
___________________________________________________
my answers to your questions ...

AnDy wrote:
1. WHY do we always feel like someone special is always taking us for granted?
-- maybe coz we're expecting too much from that person, when we shouldnt be.

2. WHY do we always have to love someone more than they will love us? Can't it be equal?
-- pano ka mag measure ng love? if may metrics na makikita, madaling maging equal, pero wala ... pwedeng pantay, pwedeng mas mahal ka niya, pero kahit pa, pwede ring hindi niya masyado maipakita, it depends sa personality ... meron talagang iba na hindi masyado ma express yung feelings...

3. WHY do we have to fall and get hurt?
-- for us to learn, and become a stronger person.

4. if love is such a wonderful thing to be in, then WHY do we cry in a relationship?
-- because you love the person ... he's special to you ... parang favorite toy nung bata pa, pag nasira, pag nawala, pag may umagaw ... maiiyak ka ... kasi special yun for you, and gusto mo sayo siya parati ... pero darating din yung time ng mawawala na lang siya o kelangan na itapon,
just something for you to remember ...

5. if we love and falter, what's next? ...move on? don't u think its just a sick cycle carousel?
-- Move on... itll be a cycle if you didnt learn from the past relationship .. its up to you if paiikutin mo lang ulit yung life mo, at gagawin mo yun mga mistakes na nagawa na, kasi you have a better option ... it doesnt have to be one ...

6. Why is there love if HURT comes in after?
-- balance ng universe ... walang mapalad sa sansinukuban ...

Wednesday, March 03, 2004

Walang Kasiguruhan

SMS from a friend, Feb. 16, 2004, 4:08pm

"God bles tauf! :) hiritan m un mga answrs m na "ur tauffer & ur simply amazin!" hehe,gudluck! Kya m yan"

Kung anung pagtitiwala ni nix sa kakayahan ko nung araw na yun, siya namang pagtatampo ng aking sistema't binigo ang pagko-kondisyon ko sa sarili ... sabog! para akong nakatira ...

Interview ko nun sa isang telecommunications company, ang hinirang na "pinaka" sa mga kumpanyang lokal. Kakatapos ko lang nun magdesisyon sa aking career, sa pagnanais na pangatawanan ang pag-alis sa isa sa pinaka respetadong Multi National IT company, inabuso ko ang pagkakataon at nag apply sa isang posisyon. Mapalad na dalawang oras matapos ipasa ang aking online resume, ay tinawagan ako ng HR para sa isang interview. Pero tulad nga ng nabanggit, sabog ako. Natatawa ako pag iniisip ko yung nagyari, kung anu-ano yung pinagsasasabi ko, nakakatawa talaga! pero mukha namang ok lang yung resulta, i was referred to a different position, at natapos ang interview ...

Kung dati'y nararamdaman kong makukuha ko ang posisyon, ngayon parang malabo ... walang kasiguruhan. Nawalan na lang siguro ako ng focus sa mga nakalipas an linggo. Kailangan mag muni-muni at ibalik ang dating Tauffer!

Kanina lang ay ka-chat ko ang isang kaibigan na nagtatrabaho na sa kumpanyang iyon, sinabing nakuwento na ako sa mga ka-opisina niya at excited na silang makita ako ... kung ok sana yung resulta, magkikita-kita rin kami.


Tuesday, March 02, 2004

Guys Next Door - I've Been Waiting For You

yeahh..
Girl I've been searchin so long thru this world
trying to find someone who could be
what my picture of love was to me
and you came along

When I saw you I knew you were the one
the love that I've been dreamin of

I've been waitin for you (waitin for you)
all my life for somebody who (somebody who)
makes me feel the way I feel when I'm with you, baby
have you been waitin too
cuz I've been waitin for you

Girl I've been saving my love all this time
cuz I knew someday I would find
the one that i've loved for so long in my mind

From the moment that I looked in your eyes
I saw the girl I've loved all my life

I've been waitin for you (waitin for you)
all my life for somebody who (somebody who)
makes me feel the way I feel when I'm with you, baby
have you been waitin too
cause I've been waitin for you

Now that I've found you I just cant let u go (cant let you go)
no no no ohhh
oh there's just one thing I want you to kno

Spoken: girl I love you so...

I've been waitin for you
all my life waitin for you
I've been waitin for you
all my life waitin for you
when I saw you I knew you were the one
the love that I've been dreaming of

I've been waitin for you (waitin for you)
all my life for somebody who (somebody who)
makes me feel the way I feel when I'm with you, baby
have you been waitin too
cause I've been waitin for you

I've been waitin for you
all my life waitin for you
I've been waitin for you
all my life waitin for you
I've been waitin for you
all my life waitin for you
(fade out)

- ang sarap ulit-ulitin ...

Friday, February 13, 2004

Medications: Bisoprolol + Hydrochlorothiazide

I set the alarm 7:30 am, hoping that i'd wake up on time and not be late for work ... but I felt like not getting off the bed ... Parang isa sa mga madidilim kong araw, noong panahon na nagaaway ang aking isip at damdamin. Ang bigat ng pakiramdam, masakit sa ulo... minumulto na naman ako ng nakalipas ...

Parang biro na pagsakay ko ng bus sa Buendia patungong Ayala, ang mga posters na nakadikit ay ang dati kong gamot sa essential hypertension. Hindi ko masyado napagmasdan ang packaging noon paglabas ko ng UST Hospital, ngayon ko lang napansin na dalawang matanda pala ang modelo ng produkto, dalawang gurang na nagbubuhat ng bata habang kumakandirit sa daan (kung paano pumasok sa isip ang pinaggagawa nila, di ko rin alam) ... napaisip tuloy ako ... Sabi ng doktor ko dati napakabata ko pa para magka Stage 2 Hypertension, tinanong ko "What's the difference between the stages?" , sa taas lang daw ng pressure nagkakatalo iyon, umabot kasi yung akin ng 160, mataas nga, yung tipong pressure na nakukuha lang ng matatanda, kaya siguro dalawang gurang ang modelo ng posters. Ala naman dapat ikabahala, bumalik na naman sa normal yung BP ko ... pero weird pa rin yung posters na nasa bus ... sinong taong nasa matinong pag-iisip ang maglalagay nun doon? med reps? LOL!
[sanka, minsan may nakita pa akong mga pambansang kung anu-ano ng Pilipinas na nakadikit sa bus...]

Thursday, February 12, 2004

UP Fair, Mahiwagang Singsing, Yosi, at ang deadly Octopus Ride ...

I was watching gawi's concert nung nag text si May, inviting to UP Fair, sabi ko habol na lang ako, baka maki Nyoy Volante muna kami with Happy Forty AB sa colayco... After dinner, ayun .... tumuloy din ako sa UP, hoping na sana may stars para ma enjoy ko ang star gazin sa sunken... Pero ayun, alang stars, disappointment talaga. Tapos nauna pa kaming dumating ng friend ko sa mga iskolar ng bayan, kaya kinailangan pang maghanap kami ng pampalipas oras ... napabili tuloy ako ng "mahiwagang singsing", yung nag iiba daw ng kulay depende sa mood, na intriga naman ako, pero pag suot ko sya parati lang siya blue, as in blue mood ako parati! nakakainis ... may kung anong pumasok sa isip ko na kinailangang yung meron sulat na "I love you" ang bilhin ko, kawawa naman ako, wala na sigurong nagmamahal sa akin kaya ganun! LOL!

Lumipas ang oras, dumating ang ilan sa mga hinihintay, nag usap-usap, pero di ko ang alam kung bakit di ako masyadong komportable nung gabing yun, siguro kasi di ko kakilala yung ibang kasama ni may, mangilan ngilan lang kasi yung gustong sakyan ng ka-weirduhan ko eh, suplado ko na lang talaga! lesson in life? huwag MAKI-FRIENDS sa friends ng best friend mo ... huh?! ang labo nun ah! Kidding!

Sosyalan ever, kunwari close kahit hindi, tapos may nakita pa akong dating officemate, weird talaga. Parang nung house party sa UST nakita ko rin yung mga yun, parang minumulto nila ako.... wooooooh..... ala naman masyadong nakita, puro stalls lang, di ko naman trip yung music, ang ingay! in short, sayang yung entrance, hehehehe, pero OK lang, experience din yun. Experience, as in experience na naman mag-yosi, hindi naman ako smoker, pero ewan ko ba, pag sila ang kasama ko hindi pwedeng alang gabi na hihithit ako ng yosi ...

Lumalalim na yung gabi, wala pa ring nangyayari, so naghiwa-hiwalay muna kami, may nabuyo akong friend na sumakay sa Octopus ng fair, ang jologs talaga pero ang funny nung idea, so ayun, bumili ng ticket tapos sumakay.... nakakamatay pala iyon! super dangerous kasi mahuhulog ka talaga pag di ka humawak... nagpaikot ikot kami dun, pabilis nang pabilis, nahilo ako! parang walang katapusan, ang ingay nung machine parang matatanggal ang turnilyo... SCARY!!!

relief na lang yung pagbaba namin sa lupa, buhay pa pala kami, di na ko sasakay dun ever!

Salinggawi's "Sine't Sayaw" ...

Isang taon na naman ang nakalipas, at muling nagpakita ng kanilang talento ang mga mananayaw ng Salinggawi Dance Troupe, ang opisyal na dance troupe ng Unibersidad ng Santo Tomas ... This is a much awaited event, pagkakataon na para matunghayan ang pagpapakitang gilas ng grupo. Ang tema ng concert ngayon "Sine't Sayaw" ... ang pag-interpret ng mga pelikula sa pamamagitan ng sayaw.

Hindi masyadong naging kabilib-bilib ang palabas, 'di tulad ng mga nakalipas. Siguro dahil na rin sa ito ang kauna unahang pagkakataon na dalawang araw at apat na set ang concert, nakakapagod ito para sa mga dancers. Pero kung titingnan ng mabuti, hindi rin ganun kaganda ang choreography ng ibang mga sayaw, at masyadong maraming halatang baguhan, na hindi pa nakukuha ang galaw ng gawi...

Kahit pa, may ilan din naman na talagang napamangha ako, mga sayaw na nagpakita tunay na kakayahan ng grupo. Ilan sa mga ito ay ang "Muro Ami", "Matrix", at "Charlie's Angels". Nakakakilabot ang bawat galaw, punong puno ng emosyon, at lumilipad ang dancers! Hindi lang masyadong umangkop sa tema ang mga tradisyunal ng sayaw, na simple lang, at di masyadong nabigyan ng katarungan. Tulad ng "Binasuan", halatang kabado ang mga dancers na baka mahulog ang mga baso sa kanilang mga ulo, mabagal ang pag execute ng steps. Naging bahagi rin ng palabas ang cheerdance na naipanalo nila sa nakalipas na UAAP competition. Iba na ang nagsipagsayaw, hindi naging kasing sigla, pero magaling pa rin.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na muling makitang magsayaw si Jing, dating kamag-aral, at dating presidente ng dance troupe. Nakakatuwa na sa kabila ng pagtatapos sa unibersidad, ay meron pa rin siyang panahon para gawin ang gusto niyang gawin .... ang sumayaw nang buong puso ... Miss na kita!

Sa kabuuhan, hindi masyadong naging maganda ang concert para sa akin, pero sulit pa rin kung makikita mo ang pamosong grupo ng nagsasayaw sa harap mo.

Viva Santo Tomas!

Tuesday, February 10, 2004

"About Valentines" forwarded email from Spyrosquest

Bruce sent this email, just now .... thought of sharing it to you too. Its from his friend. The email goes:

"Share ko lang... Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Teka, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi cum laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging
moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay
nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman. Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!" At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh nagpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Ang labo talaga. Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline. Nakakatawa no? Nakakaiyak.

Monday, February 09, 2004

mula sa tunay na kaibigan (buhat sa Friendster Message System)

kinailangan kong ilagay ang mensaheng itoh mula sa isang kaibigan, na sa panahong sobrang dami kong iniisip, ay nakatulong upang mapanatag ang aking damdamin ... Thank you so much for replying to that bulletin, i was really touched ... hope to see you soon friend ...

[mula sa Friendster Message System]
"tauf this is such a sad piece. i had a tough time reading it not only because of the oh so deep tagalog words you used pero it made me sad too. i know you don't need advice or you would have asked for it. i guess this is what growing up means. facing reality.

i keep thinking of HS and College days when everything was determined by grades and how many friends you had and how popular you become. i longed to go back to all the fun. then graduation came and we had to go do that thing called becoming adults. then i realized, life sucked before now it really sucks!

i know you probably don't want to hear this pero i'll tell you anyway. hard times happen. they test our faith and belief and break us anyway it can. but the best persons in the world are those who came out of a tough situation a little bit wiser and a little bit tougher. i believe you are one of those persons and i think you'll make it alright. get out of the sadness and come back to happy land. there are reasons for all these disturbances from God (i want to call it that). they are not always clear but they are reasons
nonetheless. don't be so down. i hate hearing you this way.

i know i haven't been in touch lately, and you probably think what the heck am i saying pero i'm ur friend. and i want to be here for you even when i'm far. i'm giwing you a hug as i type this okay!

kwentuhan mo ako what happens ha. tc."

Ang Pagbabalik!

Makalipas ang ilang buwan na sobrang nakakangarag, heto't nagkaroon na naman ako ng pagkakataong magsulat sa munting espasyong ito. Funny talaga, meron pala akong blog site na tinitingnan na iba't lahat lahat, eh wala pa ring laman. Naalala ko tuloy si chei na naka YM ko minsan, punong puno daw ako ng kadramahan sa buhay! (nakalagay kasi sa friendster pic ko yung Panibugho ad) hahaha, weh pano ba naman, may pag ka emotional talaga ang lolo mo, at mejo challenging lang talaga ang mga nakalipas na buwan ...

Mejo affected ba kayo? naku! pasencya na, ala akong intention na pabigatin ang anumang nararamdaman niyo, hehehehe (weh bakit kasi silip nang silip sa blog site na toh!!!) buwahahaha

Anyways, ayun, gaya nga ng nasulat ko na, mejo nagkaroon na naman ako ng pagkakataong lagyan ng laman ang Panibugho, at mukhang magiging regular na itoh ... nawa'y saniban ako ng ispiritu ng writer para naman maging makabuluhan at interesante ang mga na pa-publish ko dito :P

Mabuhay! itoh ang PAGBABALIK!

Saturday, January 03, 2004

Magbilang Ba!

Kung bibilingan ang mga nagalit at na disappoint as akin sa nakalipas na taon, ilan kaya sila? kasama ka ba sa bilang? (sana ipaalam asa akin ng matino, para alam ko kung pano pakitunguhan, minsan kasi parang akong ewan na akala ko ok pa, yun pala may issue na naman, haaay, kelan ba magiging mapagtapat ang mga tao)

May mangilan ngilan rin akong naiisip, pero sana maging OK din ang lahat, alisin na ang tampuhan at alitan, gawin nating payapa ang bagong taon para sa lahat :) mabuhay ka!

"Thank You For Calling, My Name is Tauffer"

Sa mga taong di pa nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan ko sa mga nakalipas na buwan, isa akong part-timer sa isang call center. Kung dati'y isang buwan akong walang tawag, ngayon nakakarami na sa isang araw ... improving, ika nga :) Nakakangarag minsan, siguro ganun talaga kung halos di ka na pumasok sa trabaho mo, bigla ka na lang magugulat sa dami ng pagbabago, bagong forms, bagong kliyente, bagong kung anu-ano pa! nagkaroon pa ng isang mejo teknikal na produkto, kaya mejo nakaka anxiety attack ... pero ok naman pala. Dalawang linggo matapos ang training, heto't tumatanggap na ko ng tawag, at ito ang pinaka komportableng mga tawag na nakukuha ko (kahit na mejo nagkaroon ako ng irate caller) ... nakabenta rin ako sa unang araw ... sarap ng pakiramdam!

Laro?

Parang bagyong dumating ang 2003, punong puno ng emosyon, kabaliwan at kung anu-ano pa. Nakaka sira ng ulo kung tutuusin... Nandyan ang matapos ako sa pag aaral at pasukin ang buhay propesyonal, ang pumasok at makipag kalas sa relasyon, ang pagbagsak ng katawan dahil sa isang malaking sekreto (kung anu iyon, wala ka nang pakialam). Haay, halo halo talaga ... Isa ba itong krisis na kailangan daanan ng lahat, 'O baka naman ako lang ang natatanging napaglalaruan ng tadhana? Kung anuman, siguradong natuwa siya sa paglalaro! hahahaha.