Tuesday, December 27, 2005

sa muling pagsikat ng araw

Ngayon ay gabi ... sa isang araw, sa isang linggo, sa isang buwan ... Gabi na kung kailan magtatapos ay hindi ko alam. Mas pipiliin kong ipikit na lang ang aking mga mata kesa pagmasdan ang bilyong talang nakabitin sa langit, dahil ikaw ang aking araw, ang liwanag na naglalabas ng kulay sa aking mundo, init ng dugong dumadaloy sa aking mga ugat, init na bumubuhay sa baliw kong puso.

Kung tatanggapin mo lang ang pag-inog ko sa iyo tulad ng paghaya kong lumubog at sumikat ka kung nais mo ...

kasing dami ng mga buhangin ang aking mga agam-agam, kasing lamig ng hangin ang pangungulila ko sa iyo, kasing ingay ng hampas ng alon ang sigaw ng aking puso: hinahanap-hanap kita.

Dito sa dalampasigan, ipipikit ko ang aking mga mata, magpapahinga, kukutilin ang mga pag-aalinlangan, mananahimik ... Hihintaying magising ako sa ingay ng mga mayang naglalaro sa hangin, at sa init ng iyong pagbabalik.

Tuesday, November 29, 2005

ligaya

Ligaya sa bawat yakap ng hangin. Ligaya sa mga titig ng buwan. Ligaya sa halik ng hamog, sa palad, sa labi. Ligaya sa bawat tibok ng di mabilang na bituin, sa kalawakan ng dalawang magkaibang mundo.

Sa hangin, buwan, hamog, at bituin ko na lang kaya itawid ang mga nais kong gawin.

Sa hangin, buwan, hamog, at bituin ko na lang maaring tanggapin ang nais ko sa iyo.

Kaya sa paglubog ng araw, ligaya ang pagtingin sa buwan at mga tala habang dinarama ang lamig ng hamog na dala ng hangin; dahil naiisip kong ika'y nasa aking piling, nakayakap, humahalik, umiibig ...

ang pagbagsak ng lawin

Paano mo kakayanin kung sa paglimot ay kailangang ilibing ng buhay ang ilang panaginip:

Ang pagsandig ng pisngi mo sa aking dibdib; ang mahigpit na yakap; ang paguusap ng ating mga daliri; ang paghalik as iyong noo ... ang mga matatamis na bulong; ang pagpikit ng mga mata sa pag-awit ng bawat puso ...

Ngayo'y tangay ako ng hangin ng bawat alaala mo. Iniisa-isa hanggang sa maubos at mawalan ng silbi ang pagkampay ng pakpak ng damdamin ko sa langaylangayan. Lumilipad sa kasalukuyan, nang hindi tumitingin sa patutunguhan ...

Friday, November 25, 2005

paglalayag

Kung kasama ka, may bisig sanang hahatak sa aking layag, may mga matang gagabay sa aking direksyon; pero mukhang magpapaanod na lang ako sa isang di makabuluhang paglalayag; lilimuting minsa'y napadpad ako sa lupang ikaw ang bunga.

Kung handa ka nang hawakan ang kamay ko, huwag ka sanang mapagod sa paglangoy kung saan ako palutang-lutang.

Wednesday, November 23, 2005

tala o buwan

Bakit mas nakakapakong tingnan ang nag-iisang talang nakabitin sa langit, sa gabing bilog at maliwanag naman ang buwan ...

Dahil ang tala, may sariling ningning. Ang buwan, nakikigamit lang ng sinag ng araw ...

Monday, November 14, 2005

katahimikan sa dilim

Alam mo kung bakit gusto kong nakikita ka? dahil sa mga titig ko lang maitatawid ang mga mensaheng di kaya ipakita ng galaw, at di kaya ibulong ng tinig. Sa katahimikan, mas nakabibingi ang sigaw ng puso kong nananabik makasama ka. Sa kadiliman, mas nakabubulag ang mga titig kong puno ng paghanga, takot, at pag-asa.

Mas gusto kong tahimik at madilim kapag kasama kita. Mas nararamdaman ko ang tunay na ako, na hindi ginagatungan ng mabulaklak na mga salita.

kamatayan ng isang alitaptap

Sa tanghali, kung kailan nakasusunog ang init ng araw, nakalulunod ang hatak ng ilog, nakabibingi ang sipol ng hangin; naging saksi ka sa paglamya ng liwanag ng alitaptap na minsan mong napaglaruan noong gabing tahimik, madilim, at payapa ang paligid ...

ugoy ng duyan

Matamis mong iduyan ang duyan ko, at nakapikit kong dadamhim ang malambing na paghele ng banayad mong ugoy, sabay sa oyaying hahaplos sa pagod kong puso.

Wednesday, October 26, 2005

Pagsilay

Malaking kasayangan sa oras ang hindi mainit, mapusok, at baliw na paghanga. Hindi dapat nabibilang ang sigaw ng dibdib sa masyado nang maraming ordinaryong bagay sa mundo. Alam mong baliw ako. Baliw sa pagsilay sa iyo. Hinahanap-hanap ko ang mga hindi komportableng pagkakataong nakikita kita, ang mga pag-iwas ng ating mga mata. Dahil walang papantay sa sarap ng pagpuno ng mga sandaling iyon sa mga kakulangang hinahanap-hanap ng mainit, mapusok, at baliw kong puso. Idinadaloy na yata kita sa aking mga ugat.

Thursday, October 13, 2005

Granola Bar

Minsan, nakakabawas ng tension ang maliliit na bagay, tulad ng pag iwan ng note sa office mo ...

"
Hi GND,

For you!!! :) Don't worry, 110 calories lang toh. Eat it na lang for breakfast or merienda ... hehe para hindi masira diet mo.

VCG :)
"

Kahit naisip kong, teka muna, isang oras kong bubunuin ito sa stair master sa gym, nakain ko rin. Hindi kasi yung calories ang iniisip mong inilulunok mo sa sistema mo, kundi ang pag alala ng taong, madalas mo naman makasama, pero kadahilanang "wala lang", nagawang pagaanin ang araw mong, minsan hindi ko talaga matantsa kung kelan matatapos.

Bakit ako naging GND? Bakit VCG? ahh, kami na lang nakakaalam nun.

Thursday, October 06, 2005

Tala sa Lupa

Noong bata ako, nakahiligan kong magkabisa ng konstelasyon. Madalas kong hiniling na sana, sa bawat pag-akyat ko sa bubong sa gabi, mawalan ng kuryente para sa kadiliman ay mas mamangha ako sa kislap ng bawat talang nakabitin sa langit. Ngayon nagbabalik ang parehong pakiramdam, pero hindi sa pagtingin sa kalawakan, kundi sa bawat pagdaan ng tala sa harapan ko, sa bawat panakaw na tingin sa talang nakatungtong sa lupa. At sana, ngayon, magawa ko nang abutin at ramdamin ang ningning na dati ay tinitingnan ko lang mula sa bubong, tuwing gabing mailap ang mga ulap.

Monday, October 03, 2005

Alon

Ang puso, parang tubig-alat. Sumasabay sa ihip ng hangin. Masarap sakyan ang alon na kayang gawin ng bawat paglambing ng amihan; hanggang sa ika'y humampas sa dalampasigan, kung saan maari kang iwan o tangayin pabalik ng along naghatid sayo ...

Thursday, September 29, 2005

Kakulitan sa Kabaliwan

Ang gago na lang sigurong ako mismo ang pumukol sa saysay ng pangungulit ...

Ngayon, nangingilag ang mga mata kong walang ninais kundi ang makita ka; umiwas ang sistema kong walang ginusto kundi ang mapalapit sa iyo. Kung kasiraan ng bait at kakulangan sa katinuan ang paghanga, tawagin mo akong baliw, dahil iyon lang ang kayang bumuo sa kung anong meron ako, para sa iyo.


Para kang delikadong kandila. Isa akong gamo-gamong naakit at napaso sa init ng iyong sindi. Ngayong sunog na ang mga pakpak kong ginamit para lumapit sayo’y wala akong ibang kayang gawin kundi ang tumanaw, sa kalayuan, habang niraramdam ang hapdi ng paso mo sa akin.

Kung sana’y hinintay ko maupos ang iyong mitsa, at tuluyang mamatay ang apoy bago ako lumipad palapit…

Ngunit sinong gamo-gamong maaakit sa kandilang walang sindi.

Tuesday, September 20, 2005

Kalabuan

Hindi ko maintindihan kung paanong ang simpleng pagtanaw sayo'y nakakabulabog sa libo-libong paru-parung nananahan sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag kung paanong ang paglapat ng ating bawat daliri'y nakapagtatawid ng init na kung saan nanggaling ay hindi ko rin alam. Hindi ko maisip kung paanong ang paghalik sa iyong batok ay nakakatunaw ng pundasyong panahon at luha ang lumikha.

Kinalimutan ko na ito. Kinalimutan na natin ito.

Pero sa tuwing ako'y tatanaw sayo, hahawak sa iyong kamay, hahalik sa iyong batok, hindi pa rin ako makahagilap ng mga dahilang magpapalinaw sa kalabuan. At sa mga pagkakataong hindi sapat ang kung anumang pag-intindi, dalawang salita lang ang kaya kong bitawan ...

"mahal kita"

Monday, September 19, 2005

Kung

Kung ang bawat paghangad na makasama ka'y kukutil ng isang tala, kung ang bawat pag-isip ko sayo'y tutuyo ng isang patak ng tubig; matagal nang nangulila ang buwan sa gabi, dati pa'y natuyo na ang dagat. Kung ang bawat tibok ng puso ko'y magpupunla ng mumunting butil ng pag-ibig sa iyo, matagal nang malago ang kagubatan sa puso mo, dati pa'y inibig mo rin ako.

Ngunit tulad ng sandali, ang bawat paghangad ay lumilipas lang. Wala naman masyadong kayang gawin ang mga dalangin kong makapiling ka. Iniiwan lang akong nangangarap, umaasa.

Mahal kita ...

Sa ngayon, siguro sapat nang sa bawat matamis na pagyakap ko sa unan ay nararamdaman ko ang init ng mga dating yakap mo sa akin. Siguro sapat nang sa pagdampi ng pisngi ko sa kumot ay naibabalik ang mga nakaw na sandali ng ating dating pagmamahalan, siguro sapat nang sa pagdama ko sa aking mga labi ay nabubuhay ang tamis ng iyong mga halik ... Hanggang sa ang unan ay muling maging ikaw, malambing na nakatitig sa mga mata kong umaamo, kontento sa iyong pagmamahal.

Friday, August 12, 2005

Fly ...

Image hosted by Photobucket.comSometimes, escapism keeps you sane.

When you wake up to the sound of the rain, and that cold bed poignantly brings back memories you’ve long wished to dissipate.
When the thought of attending a number of corporate meetings drains you.

Sit back, listen to your favorite song, close your eyes … and fly …

Friday, July 29, 2005

Pagbabalik U.P.

Image hosted by Photobucket.com Naaalala mo yung mga araw ng sobrang kabagutan na bigla na lang lumilitaw yung idea na 'tambay tayo sa campus'? Para naman tayong gamo-gamong nasilaw ng sindi ng kandila, dali-daling nagliparan palapit sa liwanag. Anong simple ng buhay sa pagtambay, sa pagtitig sa kalawakan ng Sunken, sa pagsandal sa balikat ng mga maasahang kaibigan, habang unti-unting hinihimay sa isip at puso ang nagkabuhol-buhol na alaala.

O anong lambing ng pagdampi ng hangin sa ating mga pisngi, binabalik ang magagandang alaala ng pagkabata. Napapangiti akong isipin na dati'y parang tayong sardinas na nagsisiksikan sa pagtulog matapos makapanood ng walang kwentang katatakutan, pero nakakatakot pa rin. Nakakatawang alalahanin ang mga kalokohan, ang kasiyahan sa pag-aambag para ngasabin ang isang galon ng selecta. Nakakatuwang isipin ang ilang gabing pagererebelde.

Sa ating pagbabalik, naalala ko ang isaw sessions, ang dirty ice cream na iba't ibang kulay pero iisa lang ang lasa, rodics, ang mabahong CR ng Vinzon's Hall, ang ikot, ang AB, ang Business Econ, ang dating kalaguyo, ang kabataan.

Naalala ko, at nakita kong lumipas man ang panahon, kayo pa rin ang dati. Hindi na mabubura ng pagdaan ng mga taon iyon.

Thursday, July 28, 2005

Bunga't Panahon

Image hosted by Photobucket.comMahirap pagsamahin ang bungang binitawan ng sanga. Mabibiyak, mabubulok ang sawing bunga sa pagkakahulog. Pero sa sapat na panahon, matutuyo ang laman, mahihinog ang buto, tutubuan ng ugat na kakapit nang mahigpit sa lupang sumalo sa kanya minsan.

Ang dating sawing bunga'y sisibol at gagawa ng sariling puno, tutubuan ng sariling sanga. Haharap, dadampi sa dating dahong naglambing. Gagawa ng sariling bunga, bungang pagsasaluhan ng mg ibong nag-aawitan, sa harap ng dalawang punong dati'y nag-iisa ...

Friday, July 01, 2005

Bliss – Kissing

The red light of the sun, slowly descending
The sky is all I see, it's never ending
We could fly, you and I
On a cloud, kissing . . .

Thursday, June 30, 2005

isang tanghali ...

haha, ayus to laine ah! stalker ang effect! lol!

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
cla and tauf, papuntang LK ...

shelter in grassland

I've a tent! I've a tent! woohoo!
Thanks johnny for lending me yours! :)

Now, where's that hiking shoes dada bought for me when I was in senior high ...
hmmm ...

Wednesday, June 29, 2005

my song, at the moment

It's nice that Nina made this song known to many, but nothing beats the original.
This is for someone who elicits eloquent sighs from me, everytime i see him.

Fall For You by Shanice

There's a right or wrong to know for everything
And the truth is somewhere written in between
But there's always something missing in the dark
There you'll find the true condition of the heart

Well, I can visualize the pieces of a dream,
But it's not as far away as it may seem
But if truth be told, it is you that holds the key
To the question that defines my destiny

I've been in love, a time or two
I've seen the world, when i'm with you
I wanna fly and spread my wings
I don't wanna cry, I wanna sing
I wanna live and take a chance
I'm not afraid to love again
I wanna fall, fall for you And I want you to fall for me too

I've had plenty conversations with my heart
Coz I want this thing to work, not fall apart
So, I ask my heart how it can be so sure
And it answers me because your heart is pure
I have every expectation that is true
Coz my heart won't lie to me, much less to you
But if truth be told, it is you that holds the key
To the future that becomes our destiny

Unto the mountain snow that melts into the stream
My heart goes like a river to sea
To the heavens up above, I pray to God our destiny is love ...

Tuesday, June 28, 2005

breathe

easy on the cigs if you wanna climb this weekend, tauf!

Monday, June 27, 2005

If I Believe

Found this precious in Balean's music files ... (thanks for the FTV beach house collection btw)
This song reminds me of high school, first love, and that one person who inspires me at the moment ... Happy ILS to you.

If I believed in paradise
I'd swear I must be there
I'd swear I must be there right now with you
If I believed in miracles
I'd know that one was happening to me
But if I don't believe in paradise
Then miracles aren't real
Then someone tell me what is this I feel

I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
But with you I can't deny
if I believed in paradise
I'd swear I'm there

If I believed in magic spells
It all would be so clear
Cause magic spells must have brought you here
If I could see the future
I'd see if you and I were meant to be
But I dont know any magic
And tomorrow's just a dream
But something in this fantasy is real

I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie
But with you I cant denyIf I believed in paradise
I'd swear I'm there

I'm there
I'm there
If I believed.

Tuesday, June 14, 2005

Tuklaw

Kapag natuklaw ka ng ahas, kailangang sipsipin palabas ang lason kasama ng dugo.

Ang ahas, minsan, nagpapanggap sa anyo ng pangarap at pag-ibig.

Lumingat ka lang, natuklaw ka na pala. unti-unti kang gagawing baldado. kailangang agapan.

Friday, June 10, 2005

Paglisan

09 June 2005, 20:00 - Greenbelt 3

Lilipad ulit si Wa patungong Europa para sa panibagong project assignment, si Magz din maglalagi ng isang taon sa Thailand. Nagliliparan na ang mga tao. Si best, hindi magtatagal, susunod na rin.

*** May binubulong ang hangin sa akin ...

Huwag sana ninyong iwanan sa Pilipinas ang mga prinsipyong bumuo sa inyong pagkatao, bagkus ay dagdagan sa mga mapupulot sa inyong panibagong pakikipagsapalaran.

Mahal ko kayo.
08 June 2005, 18:30 - Ayala Museum
Elodie Brunet - Sli-on


Sa Glass Wing ng bagong Ayala Museum binuksan ang panibagong ambag ni Elodie Brunet sa textile design, and Sli-on. Ito ay isang yari ng tela, pinagsamang 'silk' at 'piña fiber' kung titingnan, halos walang pinag-iba sa mga pinyang barong na nakasabit sa aking kabinet, pero kung hahawakan, malambot at madulas, iba nga ang yari.

Nagmula sa katutubong kataga ng tribong T'boli, ang Sli-on ay nangangahulugang 'walang, gamit', walang pwedeng paggamittan sa praktikal na paraan, pero 'priceless' dahil sa katangian nito. Ang halaga ng isa sa mga paborito kong yari ang magpapakita kung gaano ito ka-priceless:

Continuity Tablecloth: 175 X 275 sentimetro - Php 20,640.00


08 June 2005, 20:30 - Ayala museum
French Colors


Maagang nagratingan ang mga panauhin. Tahimik na ngumangasab ang mga tao sa cocktails na inhanda para sa okasyon. Ang imbitasyon ay inilabas para sa mga Platinum subscribers ng Globe Telecoms, masasabi kong ibang-iba ang kultura ng Infinity subs ng Smart, mas may gasolina, mas may buhay at partisipasyon ang Infinity (kung ibabase sa ilang Infinity events na napuntahan ko)

Ang Frensh Colors ay magkakasunod na classical music concerts, na nagtanghal sa ilang musikerong Pranses. Sa unang bahagi, para akong nanonood ng Disney Fantasia. Sa ikalawa, para akong nanuod ng war films. Ganun ang epekto. hindi ako lumaking nakikinig sa classicial music, pero ang gabing iyun siguro ang simula ngpakahilig ko dito. Sa baba ang una at ikalawang bahagi ng concert nung isang gabi.

1st part:

String quartet in G minor opus 10 by C. Debussy
Sonata for cello and piano in A major by C. Franck

2nd part:

Sonata 3 for violin and pinao in G minor by C. Debussy
Concerto for piano, violin and string quartet in D major opus 21 by E. Chausson


Ang Sli-on at French Colors ay bahagi pa rin ng French Spring in Manila 2005 na inihahatid ng French Embassy sa Pilipinas.

Tuesday, June 07, 2005

06 June 05, 18:30 - Poolside, FraserPlace
"pahinga"


Sabay sa malambing na paghaplos ng hangin ang pagduyan ng panahon sa iyong pagod na puso. Hinihele sa ilalim ng langit, binabantayan ng malamyang ningning ng mga tala. Tapos na ang laro. Kung sino ang napaglaruan, hindi mo alam. Pero tapos na at kailangang magpahinga.

Itulog mo lang. Paggising mo, handa ka na ulit.

06 June 05, 20:30 - Onstage, Greenbelt
"indios bravos"

Isa sa mga pagtatanghal para sa French Spring in Manila 2005 ay ang indios Bravos, isang 'full length dance theater piece' ng Airdance.

Minsan rin akong inambunan ng turo ng dance company na ito, noong napabilang ako sa 'Jazz and Hiphop classes' ilang buwan na ang nakalipas. Nakatutuwang ang dating gumabay, humasa, at buong tapang kong sinundan sa bawat pitik ng buto, banat ng laman at lipad ng paa ay napanood kong nagpamalas ng kakaibang execution of steps, at pambihirang choreography sa harap ng mga Pranses at ilang kulturating Pilipino. Karapat-dapat sa pagpili ng French Embassy na magtanghal para sa okasyon.

Wednesday, April 06, 2005

Thanks Ish for the pics!
Boracay Island
March 31 to April 3 2005


Image hosted by Photobucket.com
Itallian Breakfast

Image hosted by Photobucket.com
Ish, Boracay baby

Image hosted by Photobucket.com
Skimboarding

Image hosted by Photobucket.com
Bilasa sa Dagat

Image hosted by Photobucket.com
Sunset Beach

Image hosted by Photobucket.com
Relaxing

Image hosted by Photobucket.com
The Boys at Hey Jude after Dinner

Image hosted by Photobucket.com
Vodka, yebah

Image hosted by Photobucket.com
Tauf, Ish, Bruce

Image hosted by Photobucket.com
Hed Kandi Beach House

Tuesday, April 05, 2005

Kahulugan ng bawat Upos

Minsang kang nasilayan sa pagtakas sa kabagutan,
Sinasamsam ang bawat hithit sa yosi, tulad ko.
Sa unang upos pa lamang, nadama kita.
Kasing init ka ng sinag ng araw.

Patago kong dinarama ang aking paghanga sa isang talang tulad mo.
Ngayon, kasama sa pagbaba ang pangarap na muli kang masilayan.
O anong sarap titigan ng iyong mga labi, masdan ang iyong ngiti.
Sapat ka para punan ang kulang sa araw ko.

Salamat sa pagpapalimot, kahit saglit, sa lason sa aking damdamin.
Dumi sa aking isipan

Tuesday, March 29, 2005

Pag-ibig? Isang labang walang kasiguruhan.

Minsan kelangan ng salamin para makita mong bugbog sarado ka na pala, iniwanan ka na ng kalaban mo, ang mas masakit, matapos ang lahat ng sakripisyo, ng buong pagtanggap sa suntok ng kamao ng katotohanan, nag-iisa ka na lang pala, wala na ang laban ng kailangan ipanalo. Masakit, pero mas madali nang tanggapin. Talo ka.

Nakapanghihinayang. Parating maiiwan sayo ang pagnanasang sana bumalik ang pagkakataon, sa tamang panahon, sa tamang kondisyon ng pag-iisip at damdamin. Sa parehong kalaban? Siguro. Sa panibagong katunggali, sana. Wala kang ibang nararamdaman kundi ang hapdi ng bawat subok mong gamutin ang mga sugat. Hindi mo kayang mag-isip. Isa lang ang sigurado: matatagalan pa bago maghilom ang lahat.

Pero masasanay ka rin. Unti-uni ring sasara ang mga sugat. Pangit man tingnan ang mga galos na iniwan nito, nakakatulong isipin na dulot iyon ng isang taong dating ikaw ngayon. Nag-iisa, naghahanap ng pag-ibig … nakakaawa.

Patas rin pala, nauna lang siya natalo. At mas malaking talo ang hindi niya maranasan kung ano ang kayang gawin ng pagmamahal mo … hindi mo pa naigagapos ang ihip ng hangin, hindi mo pa naipagbabawal ang buhos ng ulan. Pero maari, maari.

Sa pag-inog ng mundo, darating ang isang gabing may magbubukas ng sarado mong pinto, mag-iiwan ng matamis na halik. Makikita mo ang sarili sa panibagong hamon.

Susubukan mong maging mas matalas at matatag.

Wednesday, March 16, 2005

Alaala

2:30am

"Ang tigas ng ulo mo. Sabing 'wag masyadong magpakapagod" - si Raf, nakakunot ang noo.
"May iniiwasang isipin, kelangan busy parati"

Tahimik

Siguro iyun na lang talaga ang pangligtas kapag nalulungkot, ang libangin ang sarili sa ibang bagay. Ubusin ang lahat ng oras sa trabaho, kaibigan, pagbasa ng libro, paggawa ng website, pag surf sa porn sites, manggago ng tao. Hindi dapat bigyan ng pakakataon ang damdaming mag-inarte at mangulila sa isang taong lubos mong mahal.

Pero may mga minsang pagkakataon na kapag nasobrahan, babalik at babalik din sa kung ano ang pilit na iniiwasan. Minsang pagkakataong tulad nito.

“Di naman kailangan sobra”
“Raf, kung aawayin mo ako, sana iniwan mo na lang ako dun sa clinic. Nag-eenjoy ako tingnan yung mga kotse sa Ayala from my spot dun sa PBCom”

“Nag-wo-worry lang ako”

1:00am
"hi, how are you" - si Raf
"Sa clinic, but I'm okay. Why are you still up"
"may pumasok lang sa isip ko. Can't sleep. bakit ka sa clinic?"
"hypertension, stage 2. Okay lang, I dont feel like working. Takas trabaho"
"What! I'm picking you up. Be there by 2:00am. Hatid kita sa bahay"
"You should be sleeping Raf, pag malaman yan ng guy mo lagot ka"
"Ihahatid kita. Be there by 2:00"

“Ano pala yung iniisip mo kanina, bakit di ka makatulog” halos pabulong kong sinabi.
“Wala lang”
“Nag away kayo?”
“Hindi naman”
“Madalas ka ba niyang awayin?”

Ngiti.

Ilang beses din akong nahulog sa ngiting yun. Tang-ina, walang palya! Ilang gabi ko ring pinangarap na muling masilayan, kahit sandali ang ngiting dati nang hindi akin. Nawala ako sa sarili ng ilang sandali.

“’Di kasing dalas ng pag-away mo sakin” – tawanan
“Haha! So nagbibilang ka pala!”
“Hehe, hindi naman” – ngiti

Tahimik.

“Lam mo, you shouldn’t be doing this. Baka mamaya may tumawag na naman sa bahay, awayin ako” – halos pabulong ko ulit sinabi.

“Sorry, di niya dapat ginawa yun”

Tahimik.

“I thought of you. That’s why I can’t sleep”

Nakapikit kong dinama ang mainit niyang kamay. Mahigpit pero maingat ang paghawak. Iba’t ibang emosyon: takot, saya, panghihinayang, pagmamahal. Mahal ko pa rin siya.

“Anong naisip mo”

Tahimik.

“I miss you” …

“Alam mong walang magagawang mabuti ito” – habang nakatitig sa mga mata niyang sumasamo, humihiling ng pang-unawa, nananabik, nagpipigil, naluluha.

Magkahawak ang mga kamay, magkadikit ang mga noo, nakapikit. Dinarama ang lahat ng kaya sa bawat nakaw na sandali. Parang isang bagsakan ng lahat ng inipong emosyon mula noong huling nagkasama. Nakakanginig, nakakaiyak.

“I miss you bee” – si Raf habang humihigpit ang yakap.

1 minute.

“I love you” – si Raf.

I love you. ‘Tang ina, mahal na mahal kita.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha, habang nag-iiwan ng magaang halik sa kanyang mga labi.

“That’s not enough, bee” – mahina kong binulong sa kanya.
“Love is not enough”.

Monday, March 07, 2005

"Fade"
Solu Music Hed Kandi

Look at me, stare inside.
Take my place, in my mind.
Capture me, follow through.
Validate, wanting you.

It's been a long, long time.
Since you been on my mind and I...
I must forget about us.

Turned away. What to do ?
Let it go. Follow through.
Lost within. Endless eyes.
Lusting calls. Logic cries.

Baby this seems so right.
Baby this seems so wrong.
Hour after hour, so long,
day after day, so long,
year after year after year.

And now we're here...
Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.

Hesitate.
Pull me in.
Breath on breath.
Skin on skin.
Loving deep.
Falling fast.
All right here.
Let this last.

Here with our lips locked tight.
Baby the time is right for us...to forget about us.
Shelter me.
Give me light.
Sexy days.
Sensual nights.
Ain't no way, you'll be gone.
Cause I'll be here, still holding on.

Baby it's been so long,and it could be tonight.
Hour after hour, so long,
day after day, so long,
year after year after year.

And now we're here...Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Never fade from my mind.Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Give me life.
Give me life.
Give me life.
Give me, give me, give me life.
Never fade from my mind.Shower me and give me life.
Give me love and give me life.
Never fade from my mind.Always there when I close my eyes.Never fade from my mind.
Shower me and give me life.Give me love and give me life.Never fade from my mind.Always there when I close my eyes.Never fade,in my life.Never fade,in my life.Never fade,in my life...

Thursday, March 03, 2005

kanina, habang binabalikan ang ilan sa mga lumang posts ko, napansin ko ang isang kumento na nakapagpataba sa puso ko ... maraming salamat kiko.
________________________________________
On : 12/27/2004 7:53:01 AM isko (www) said:

ang ganda ng nakasulat... sarap umibig ano? sakit nga lang mabigo.. pero masakit din sa ulo ang may iba't ibang mahal.. nde naman sa pagiging opurtunista.. pero minsan nagkakasabay sabay talaga eh.. sabi nila..likas daw sa lalaki ang maraming babae...pero..minsan din kung alam ng babae.. kahit masakit sa kanya.. natatanggap nya... likas din kasi sa kanya ang pagiging martir. sa ngayon? yan ang problema ko.. 3 ang karelasyon ko.. ung orig... alam nyang may iba akong sabit.. yung 2nd.. alam nya rin na may sabit ako.. yung 3rd.. alam din nya.. lahat naman sila eh.. kasi before hand..sinasabi ko na.. kaya lang nde mo talaga maiiwasan.. ako gumawa ng sakit ng ulo..kaya madalas ulo ko ang sumasakit.

siguro ito na ang tinatawag na karma.. kung anong gawin mo..babalik sayo... noong nasa sekondarya at kolehiyo ako..nde ako marunong lumapit sa babae.. kasi hindi ako guapo hindi rin ako mayaman..wala akong ka dating dating.. maralita lang kasi ako..hindi ko kayang bumili ng pamporma.. isang tipikal na mag aaral.. ngayon? ganun pa rin..natuto lang siguro akong magsalita ng galing sa loob ko.

pano ko ba kayo makikilala? sa mga nabasa ko rito... mahusay na alagad ng sining ang may akda ng mga nabasa ko.. sana magkaroon ng pagkakataong makapag ambag din ako.

maraming salamat at magandang gabi- kiko
__________________________________________
Ang post na nabasa ni Kiko ...

What’s wrong with you!
April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …

Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.

“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …

Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …

What’s wrong with me?

Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.

Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move on pare, sabi ko sa sarili.

Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.

Isang araw naka receive ako ng text:

“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …

parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.

Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …

Kanina lang nag text ako …

“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …

Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …

Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.

“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”

katahimikan…

“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!

he hung up.

Monday, February 28, 2005

Not so sure bout the lyric's, just got it from one blog.
I miss my bee so much ... Sorry if hindi ako nagpaparamdam lately, you know i need to do this ...
____________________________________
Ever After - Eric’s Beach Mix
Bonnie Baily
Hed Kandi Summer Mix 2004


Three years ago my journey began
Chasing down this cure, no plan in hand
Just your pulse, my racing guide in the dark
Just knowing with conviction from the start
The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of being godly
Yet I fell hard for your imperfections

And now we're slightly weathered, we're slightly worn
Our hands grip together eye to eye through the storm
yetI still believe in ever after with you
Coz life is a pleasure with you by my side
And there ain't no current in this river we can't ride
I still believe in ever after with you

Nothing compares to the good times
Feels like we're floating when the rest have to climb
You made me believe in love and not the perfect kind
A real messy beautiful twisted sunshine
Emotions volcanic eruptions
We both still care so we're still alive
Tunnel vision, determination
I want you I want to make it right
You are my twisted sunshine

Monday, February 14, 2005

araw mo

Sa kawalan man, pumipintig pa rin. Nagpaparamdam. Sa kabila ng hinaing, ng sama ng loob ... sana'y mahanap ang kahit konting sandali ng pagtanggap at pagbangon ... ngayong araw mo, subukang maging matatag, kahit pagod at sugatan, subukang ngumiti ... ngayong araw mo, puso, subukang lumigaya. Kailangan kong lumigaya ka ...

Wednesday, February 09, 2005

Sa pagtatapos ng mga bagay-bagay

Tuldok … gano man kaliit, halos 'di man makita, mabigat pa rin bitawan para tapusin ang isang pangungusap na malabo, magulo, walang saysay.

Kagabi natapos ang isang pangungusap sa talatang walang direksyon, walang patutunguhan.

Tuesday, February 01, 2005

Alaala

*** dalawang taon na ang nakalipas

... Ilang ulit na bang nangyari ang ganito … para akong pinaglalaruan ng hangin … binitawan na nama’t iniwang paralisado … wala akong maramdaman! Siguro ganun talaga, matapos magpakasasa sa ligaya, babawian ka ng sakit na hindi mo kakayanin, at dadarating sa puntong wala ka na lang pakiramdam dahil nasanay ka nang magtiis … haay ang labo tsong, ang labo talaga...

Habang Narito Pa (Bayang Barrios:Mike Villegas)

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
Huwag maliligaw habang nandito ako
Ang ilang saglit na tayo'y magkasama
Ingatan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At pag-ibig lang ang tanging naialay sa yo
Mga munting sandali sa ating pagsasama
Hagkan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan at ang pag-asa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Habang narito pa ... Habang narito pa ...
Habang narito ka ... Habang narito ka ...

Wuhag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At ika'y humimlay habang nandito ako
Ang munting panahon ng tayo'y magkasama
Hagkan na natin bago malayo ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumisan pa
Bago lumisan pa
...

para kay ...

minsan ang pagkakaibigan ay parang pagpapalaki ng anak. kailangan ng aruga. kalinga. gabay. at paminsan-minsan, kamay na bakal. gagawin mo ang lahat para makasigurong hindi mapapariwara. masaktan. maligaw ng landas. pero kahit anong gawin mo, masasasktan pa rin. maliligaw. wala kang ibang pwedeng gawin kundi hawakan ang kamay niya habang umiiyak. yakapin ng mahigpit, at umasang maramdaman nya kung gaano sya kahalaga sa iyo. kadalasan, gusto mo ring mangutya. sabihin sa kaniyang, "sabi ko na sa iyo. ayaw mo kasing makinig." o kaya. hayaan mo na lang sya. malaki na sya. may sarili nan'g pag-iisip. buhay nya yan. masakit kapag hindi ka nya maintindihan. mas masakit kapag pinili nyang huwag kang intindihin dahil hindit tugma ang katwiran mo sa gusto nyang mangyari. pero ano nga bang magagawa mo kundi maghintay at magdasal. maghintay kung kailan ka nya kakailanganin. magdasala na sana'y matagalan bago ka nya tawagan nang umiiyak, nadapa, nagkamali. minsan, naiisip mo'ng wala ka na'ng natitirang pagtitimpi. huling pagkakataon na'ng malalapitan ka nya kapag nasaktan na naman sya dahil hindi sya nakinig sa iyo. huli na talaga. hindi na mauulit. pero magri-ring ang telepono. mag-bi-beep ang cellphone. kakatukin ka sa bahay. masasalubong mo sa isang party. hahanapin ka. at makikita mo nalang ang sarili mo na ngumingiti. yumayakap. nakikiramay. umaalo. nagpapayo...nagpapatawad. pro sa mgayon, hindi pa. huwag muna. pagod ka pa.

Sunday, January 30, 2005

Bee

Kung maaari lamang, siguro pinigilan ko sa pagtibok ang puso kong nananabik makasama, mayakap, at mahagkan ka sa bawat sandali. Katumbas ng ligayang dulot ng pag-ibig ang pangungulila sa tuwing ika'y wala sa piling, at takot na bigla na lang bawiin ang sarap at sakit nito. Ngunit hindi maaari. Dito sa aking silid, hindi mapigilan ang pagsigaw ng puso ko: 'Mahal Kita'. Mahirap, masarap, masakit ... ngunit mahal kita. Mahal na mahal ...