Saturday, April 17, 2004

What’s wrong with you!

April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …

Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.

“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …

Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …

What’s wrong with me?

Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.

Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move pare, sabi ko sa sarili.

Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.

Isang araw naka receive ako ng text:

“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …

parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.

Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …

Kanina lang nag text ako …

“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …

Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …

Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.

“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”

katahimikan…

“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!

he hung up.

Sunday, April 11, 2004

Sa Pagiging College Usher

tatlong linggo na yata yung nakalipas nung nagsipagtapos ang nga tomasino ng 2004. Inisip ko tuloy, ano kaya yung uniform ng mga ushers ngayon? Noong panahon ko, 2002 junior year ko yung sa UST, naka chinese collar na pinyang barong kami, gustong gusto ko yun kasi ang ganda ng texture nung barong, saka yun ang pinakamahal na barong na nasuot ko (syempre school ang nagbayad), yung mga babae naman, muslim inspired na uniform, ang ganda ng effect, pag magkakasama kami para kaming flight attendants ng PAL. yung batch naman after us, hand painted yung barong nila, parang yung kay Noli de Castro dati sa TV Patrol, parang gradient fill ng white and light blue tapos yung mga babae may shawl ... parang may cotillon.

Ni minsan hindi naman sumagi sa isip ko na maging usher, sa loob loob ko ang hindi naman ako bagay diyan, gwapo't magaganda lang na mejo popular ang tinatanggap diyan, puro kaepalan! pero noong minsan naimbitahan ang dalawa sa mga kaibigan kong babae na magpunta sa screening, na excite ako for them. Siyempre full support ang buong barkada, sinamahan namin sila sa labas ng screening room. Wala kaming idea kung ano ang mangyayari sa loob. Nagulat ako ng makita ko yung prof ko, isa pala siya sa mag screen, siyempre feeling close siya ever, nabuyo kaming lahat na mag pa screen, di naman kami prepared kasi dapat pala dala yung copy ng grades kasi may cut off na average, di ko alam kung height limit ... basta napalista kaming lahat para dun.

Di komportable yung screening, ang lupit nung interview, natatawa ako kapag naaalala ko yung mga tanong sa akin, about terrorism, what do i think about the government's stand about the issue, what do y0ou think bout abortion ... at kung anu ano pa, siyempre na challenge ang english ko (haha, parang hindi nagtatrabaho sa call center) ... lahat ata kaming lumalabas ng room namumula pagkatapos, puro sensitive kasi yung mga tanong ... about morality, current events, etc.

Ok, after 1 week na confirm na tanggap kami ni mabel, nakakalungkot na yung 2 friends ko na na invite, sila yung hindi nakuha ... Nakakapagod pala maging usher, ang daming meetings, ang daming plans, pinag aaralan kung saan possible maggaling yung guests, kung pano sila i-receive, kung san sila dadalhin, kung sino-sino ang assigned sa isang location ... ang dami! noong college of science week lang eh, di na kami magkanda-ugaga sa dami ng gagawin, nag overlap pa sa mga class and exams, mukha akong ewan na naka kamiso tsino ako sa class, tapos after noon babalik na naman sa post. Di pa kami magkapareho ni mabel ng shift, so hindi kami madalas magkita.

Nakaka-kaba mag receive ng important guests, kelangan super PR mo, pero nakakainis mag assist ng mga bata! haay, di ko makalimutan noong na-assign ako sa exhibits, kinailangan ko pa dalhin sa ibang building yung buong class ng bisita! "OK maam, pls follw me, we're going to the gradutae school for ...." sunod naman yung mga kids sa adviser nila, na sinusundan ako, haay nakalimutan ko na yung mga small talks namin nun! ang hirap pala! Noong may synposium sa Medicine Auditorium, sabi nung head nung department namin "ang gwapo ni Mr Ng ah!", siyempre kunwari embarassed ako pero kilig naman.

Wala na siguro mas nakakapagod pa sa graduation mismo, ang hirap pag-aralan ang buong PICC, kung san manggagaling, kung pano mag march yung graduates, kung pano i handle yung guests, kungpano ihandle yung parents, kung pano pigilan ang lahat from taking pictures! may inaway pa ata akong magulang eh, nagpupumilit kasi, pinagsabihan ko lang naman. Pero sulit naman after.

Parang ang elegante na lang noon kapag may event, na parang sinemento ng gel ang buhok kong mejo mahaba pa noon, kasi kailangan, tapos hawak-hawak ko yung pinyang barong papasok sa school ...

Saturday, April 03, 2004

Passion of The Christ

Napanood ko kagabi yung movie, with May, dapat madami kami, kasi usapan last week na Friday nga papanoorin yun, pero wala naman sumipot :), na udlot din yung lakad namin ng SPL batchmates kasi nga super daming deadline sa company, kaya ayun, kami na lang best ang nanood. Super violent, or should I say "realistic" nung movie, mas nakakatakot panoorin kesa sa pagkatay ng baboy. Mejo nakakagulat ang mala- "exorcist" na music sa simula. Nakakatawa kasi sabi nung isang babae sa likod ko, "ang guapo naman ni Jesus, nagkakasala ako!"

Gusto ko siya kasi hindi siya masyadong religous, pinakita lang talaga yung suffering, hindi masyadong suggestive na "kailangan ito ang relihiyon mo!", pero ang sama ko na lang siguro talaga na pagkatapos ng movie, tumawa ako ng malakas habang lumalabas ng movie house, para kasing after manood, yung mga tao sobrang nagmumuni-muni, ang tahimik, nakayuko .... parang bumait ang lahat (except ako) pagkatapos nito.