Monday, February 28, 2005

Not so sure bout the lyric's, just got it from one blog.
I miss my bee so much ... Sorry if hindi ako nagpaparamdam lately, you know i need to do this ...
____________________________________
Ever After - Eric’s Beach Mix
Bonnie Baily
Hed Kandi Summer Mix 2004


Three years ago my journey began
Chasing down this cure, no plan in hand
Just your pulse, my racing guide in the dark
Just knowing with conviction from the start
The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of being godly
Yet I fell hard for your imperfections

And now we're slightly weathered, we're slightly worn
Our hands grip together eye to eye through the storm
yetI still believe in ever after with you
Coz life is a pleasure with you by my side
And there ain't no current in this river we can't ride
I still believe in ever after with you

Nothing compares to the good times
Feels like we're floating when the rest have to climb
You made me believe in love and not the perfect kind
A real messy beautiful twisted sunshine
Emotions volcanic eruptions
We both still care so we're still alive
Tunnel vision, determination
I want you I want to make it right
You are my twisted sunshine

Monday, February 14, 2005

araw mo

Sa kawalan man, pumipintig pa rin. Nagpaparamdam. Sa kabila ng hinaing, ng sama ng loob ... sana'y mahanap ang kahit konting sandali ng pagtanggap at pagbangon ... ngayong araw mo, subukang maging matatag, kahit pagod at sugatan, subukang ngumiti ... ngayong araw mo, puso, subukang lumigaya. Kailangan kong lumigaya ka ...

Wednesday, February 09, 2005

Sa pagtatapos ng mga bagay-bagay

Tuldok … gano man kaliit, halos 'di man makita, mabigat pa rin bitawan para tapusin ang isang pangungusap na malabo, magulo, walang saysay.

Kagabi natapos ang isang pangungusap sa talatang walang direksyon, walang patutunguhan.

Tuesday, February 01, 2005

Alaala

*** dalawang taon na ang nakalipas

... Ilang ulit na bang nangyari ang ganito … para akong pinaglalaruan ng hangin … binitawan na nama’t iniwang paralisado … wala akong maramdaman! Siguro ganun talaga, matapos magpakasasa sa ligaya, babawian ka ng sakit na hindi mo kakayanin, at dadarating sa puntong wala ka na lang pakiramdam dahil nasanay ka nang magtiis … haay ang labo tsong, ang labo talaga...

Habang Narito Pa (Bayang Barrios:Mike Villegas)

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
Huwag maliligaw habang nandito ako
Ang ilang saglit na tayo'y magkasama
Ingatan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At pag-ibig lang ang tanging naialay sa yo
Mga munting sandali sa ating pagsasama
Hagkan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan at ang pag-asa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Habang narito pa ... Habang narito pa ...
Habang narito ka ... Habang narito ka ...

Wuhag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At ika'y humimlay habang nandito ako
Ang munting panahon ng tayo'y magkasama
Hagkan na natin bago malayo ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumisan pa
Bago lumisan pa
...

para kay ...

minsan ang pagkakaibigan ay parang pagpapalaki ng anak. kailangan ng aruga. kalinga. gabay. at paminsan-minsan, kamay na bakal. gagawin mo ang lahat para makasigurong hindi mapapariwara. masaktan. maligaw ng landas. pero kahit anong gawin mo, masasasktan pa rin. maliligaw. wala kang ibang pwedeng gawin kundi hawakan ang kamay niya habang umiiyak. yakapin ng mahigpit, at umasang maramdaman nya kung gaano sya kahalaga sa iyo. kadalasan, gusto mo ring mangutya. sabihin sa kaniyang, "sabi ko na sa iyo. ayaw mo kasing makinig." o kaya. hayaan mo na lang sya. malaki na sya. may sarili nan'g pag-iisip. buhay nya yan. masakit kapag hindi ka nya maintindihan. mas masakit kapag pinili nyang huwag kang intindihin dahil hindit tugma ang katwiran mo sa gusto nyang mangyari. pero ano nga bang magagawa mo kundi maghintay at magdasal. maghintay kung kailan ka nya kakailanganin. magdasala na sana'y matagalan bago ka nya tawagan nang umiiyak, nadapa, nagkamali. minsan, naiisip mo'ng wala ka na'ng natitirang pagtitimpi. huling pagkakataon na'ng malalapitan ka nya kapag nasaktan na naman sya dahil hindi sya nakinig sa iyo. huli na talaga. hindi na mauulit. pero magri-ring ang telepono. mag-bi-beep ang cellphone. kakatukin ka sa bahay. masasalubong mo sa isang party. hahanapin ka. at makikita mo nalang ang sarili mo na ngumingiti. yumayakap. nakikiramay. umaalo. nagpapayo...nagpapatawad. pro sa mgayon, hindi pa. huwag muna. pagod ka pa.

Sunday, January 30, 2005

Bee

Kung maaari lamang, siguro pinigilan ko sa pagtibok ang puso kong nananabik makasama, mayakap, at mahagkan ka sa bawat sandali. Katumbas ng ligayang dulot ng pag-ibig ang pangungulila sa tuwing ika'y wala sa piling, at takot na bigla na lang bawiin ang sarap at sakit nito. Ngunit hindi maaari. Dito sa aking silid, hindi mapigilan ang pagsigaw ng puso ko: 'Mahal Kita'. Mahirap, masarap, masakit ... ngunit mahal kita. Mahal na mahal ...

Sunday, June 27, 2004

Ang Pagsulpot ng Mga Multo Kung Saan-saan

Ano nga bang meron kagabi? parang masyadong naging excited ang mga tao, at dati pa, na-plano nang mag punta sa White Party Manila 2004, pero naging magandang oportuninad iyon para makasama ulit ang mga kaibigang sobrang na-miss ko na. Kay saffronsun, kay aileen, kay breakdownandcry, kay best friend hello-kitty, kay gorjus paolo, kay mike, kay warren ... salamat sa gabi.

Simula ng Araw
Napaka hindi normal na Sabado na 'to para sa trabaho ko, usually pag-gising ko pa lang mula sa overtime ng friday, iisipin ko na kung pano tapusin ang mga trabahong dapat ay nililibot na for sign-off. Pag-gising ko kahapon, wala akong inisip. Madami akong nagawa, pero wala akong inisip, Ay, ang labo, basta ganun! Parang nagsimula lang ang araw nung unti-unti naang dumidilim ang kalangitan, at unti-unti na akong naghanda para makipagkita kay hello-kitty.

Muling Pagkikita
Naging abusado si mamang driver ng cab, pero di ko na pinansin, sayang lang sa energy ... Pagdating ko sa Malate, napalitan ang konting pagka-inis ng kasiyahan nang muli kong nakita si saffronsun, kasama si aileen. Miss ko na siya sobra. Mejo maaga ang pagpunta nila, mga 21:00H, pero ok lang, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap at makapagkulitan. Sumunod na dumating si Mike, sumunod si Paolo ... napaka-refreshing ng face niya. At si breakdownandcry? asan na nga ba siya? 1:30 am pa darating? ummmm ... ok.

Still Up? Unang Pagpaparamdam ng Multo
Parang nasanay na akong kapag gabi ay may matatanggap akong short message kay Raf.
"Still up?"
"Yeah, dito ako Malate, wazup"
"Nothing"
Ampucha ... Still up? yun lang ba kaya mong sabihin? nagsasawa na ako sa ganitong setup.

Isang Batalyon ng Multo, Pangalawang Pagpaparamdam
Si Gani, isa ... si Rain, dalawa ... si CJ? siya nga ba yun?, tatlo ... malay ko kung sino pang kasama nilang kinamumuhian ako =) hehehe. nanghihinayang ako, pero wala akong pakialaam sa mga taong ... ummm ... hindi ko masakyan ng takbo ng isip. At nasa paligid lang din pala si P, pero hindi ko napansin ... pag nagkataon, pang-apat siya sa batalyon.

Nandito Ka Pa Ba?
2:00 am ...
"Nandito ka pa ba?" si Darwin
"Asan ka ..."
"NY Cafe"

Kaninang hapon lang sabi niya hindi siya makakapunta, "magtatampo na ba ako sayo" ... nagtatampo na ako. Ilang plano na rin ang hindi natuloy dahil lang sa hindi siya pwede, nakakainis. Pero kaninang 2:00am, nandun siya sa White Party, with some friends, na-corner daw siya. Bad trip, sobra. So pag na-corner ka ng friends mo, pupunta ka? hindi ko maitago ang pagkadismaya ko. Pero eto ako, parang gago na kahit na naiinis na, nagmamadaling bumalik sa NY Cafe mula sa pag papa-henna nila mike at breakdownandcry, kahit na umuulan. Ang gago mo tauf!

"Asan ka"
"Pababa na" sabi niya

At muli kaming nagkita ...

halik kay hello-kitty, halik sa akin ... "nagtatampo ka na ba?" nakakatunaw ng tuhod ang tanong na iyon, hindi ko alam kung naglalambing, o nag-aalala ... hindi ako sumagot. Kinagat niya yung balikat ko, nagpapa-cute ... pumulupot ang kamay ko sa ulo niya, habang ginugulo ng konti ang buhok niyang basa ng ulan ... miss ko na siya.

unang pag-ibig talaga, nakakabaliw...

Kahit anong seryosong nasabi kong mahal ko si Raf, mahal ko si P, parang nagiging joke kapag nakikita ko si Darwin. Siya na lang siguro ang pamantayan ng pagmamahal ko, na nagtagal ng halos isang dekada, mahal ko pa rin siya, kahit na naiinis ako.

putik, 5:30 na? nahithit ko na pala ang buong kaha ng West Ice, hindi pa rin kami umuuwi...

Saturday, June 26, 2004

Pagbabalik Loob ng Isang Tomasino

Kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, mahal ko ang aking pamantasan, ang Unibersidad ng Santo Tomas. Iba ang pakiramdam ko kapag pumapasok ako sa gate sa EspaƱa, parang nag gaan, parang lulutang ako sa ere. Iba ang kultura ... kulturang totoo, walang bahid ng pagkukunwari. Isa itong pamanatasan na madaling pakisamahan ang mga estudyante. Totoo kasi.

Kamakailan lang, pagkatapos ng SMART NEO, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Cla na magbalik loob sa UST, at muling naramdaman kung ano nga uli ang pakiramdam sa loob ... ang sarap, sobra.

Kumpisal ng Isang May Sakit ...

Ang Pag-Amin

last year, sabi nung doktor ko sa UST Hospital, meron daw akong anxiety disorder. Umm, siguro nga tama siya, pero hindi naman siguro sapat na sabihin niyang uminom ako ng anti-Ds para sundin ko siya, normal ako, natatakot lang minsan sa lahat ng bagay, pero sino bang hindi natatakot? Pasensiya na lang kung minsan ang dami kong reklamo sa buhay, ganun lang talaga ako atakihin kapag tinotopak ang lintik na sakit na ito.

Pampagaan ng Loob

Natutuwa ako sa maraming bagay, sa sobrang tuwa ko, nagkaroon ako ng gana na ilista silang lahat sa post na 'to. Sana matuwa din kayo =)

1) Natutuwa akong hindi ko na masyadong pinahihirapan ang sarili ko. Malaki ang naitulong ng mga experiences sa mga nakalipas na taon, mas maraming pressure sa sarili, mas malungkot, at hindi iyon ang buhay.

2) Natutuwa ako sa panibagong pagkakataon sa trabaho na ibinigay sa akin ng SMART, matrabaho, madaming ginagawa, pero siguro nag mature na lang ako bigla na hindi ko na pinoproblema ang performance ko sa office, basta alam ko nagtatrabaho ako ng matino, pag hindi nila gusto ang ginagawa ko, problema na nila yun, hindi ko kailangan paligayahin ang lahat.

3) Natutuwa akong mukhang masaya sa Paolo sa bago niyang relasyon. Best wishes P =)

4) Natutuwa akong marami akong tunay na kaibigan na mahal ako, at mahal ko rin nang lubusan.

5) Natutuwa akong hindi na ako nangungulit ng mga tao.

6) Natutuwa ako na na-miss ako ni Tin Lim Ang =P, salamat sa pagpaparamdam kaibigan, tulad na sabi mo, sana lumabas tayo minsan, at mukhang marami tayong pagkukwentuhan

Natutuwa ako sa mas marami pang bagay na hindi ko na pwede ibahagi sa inyo. Sama sama tayong magpakasaya! =)

6)