April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …
Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.
“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …
Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …
What’s wrong with me?
Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.
Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move pare, sabi ko sa sarili.
Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.
Isang araw naka receive ako ng text:
“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …
parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.
Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …
Kanina lang nag text ako …
“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …
Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …
Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.
“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”
katahimikan…
“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!
he hung up.
naglalaman ng mga saloobin ng may likha, na sa araw-araw na pagkabagot ay nakahanap ng panahong magsulat ng mga naiisip ...
Saturday, April 17, 2004
Sunday, April 11, 2004
Sa Pagiging College Usher
tatlong linggo na yata yung nakalipas nung nagsipagtapos ang nga tomasino ng 2004. Inisip ko tuloy, ano kaya yung uniform ng mga ushers ngayon? Noong panahon ko, 2002 junior year ko yung sa UST, naka chinese collar na pinyang barong kami, gustong gusto ko yun kasi ang ganda ng texture nung barong, saka yun ang pinakamahal na barong na nasuot ko (syempre school ang nagbayad), yung mga babae naman, muslim inspired na uniform, ang ganda ng effect, pag magkakasama kami para kaming flight attendants ng PAL. yung batch naman after us, hand painted yung barong nila, parang yung kay Noli de Castro dati sa TV Patrol, parang gradient fill ng white and light blue tapos yung mga babae may shawl ... parang may cotillon.
Ni minsan hindi naman sumagi sa isip ko na maging usher, sa loob loob ko ang hindi naman ako bagay diyan, gwapo't magaganda lang na mejo popular ang tinatanggap diyan, puro kaepalan! pero noong minsan naimbitahan ang dalawa sa mga kaibigan kong babae na magpunta sa screening, na excite ako for them. Siyempre full support ang buong barkada, sinamahan namin sila sa labas ng screening room. Wala kaming idea kung ano ang mangyayari sa loob. Nagulat ako ng makita ko yung prof ko, isa pala siya sa mag screen, siyempre feeling close siya ever, nabuyo kaming lahat na mag pa screen, di naman kami prepared kasi dapat pala dala yung copy ng grades kasi may cut off na average, di ko alam kung height limit ... basta napalista kaming lahat para dun.
Di komportable yung screening, ang lupit nung interview, natatawa ako kapag naaalala ko yung mga tanong sa akin, about terrorism, what do i think about the government's stand about the issue, what do y0ou think bout abortion ... at kung anu ano pa, siyempre na challenge ang english ko (haha, parang hindi nagtatrabaho sa call center) ... lahat ata kaming lumalabas ng room namumula pagkatapos, puro sensitive kasi yung mga tanong ... about morality, current events, etc.
Ok, after 1 week na confirm na tanggap kami ni mabel, nakakalungkot na yung 2 friends ko na na invite, sila yung hindi nakuha ... Nakakapagod pala maging usher, ang daming meetings, ang daming plans, pinag aaralan kung saan possible maggaling yung guests, kung pano sila i-receive, kung san sila dadalhin, kung sino-sino ang assigned sa isang location ... ang dami! noong college of science week lang eh, di na kami magkanda-ugaga sa dami ng gagawin, nag overlap pa sa mga class and exams, mukha akong ewan na naka kamiso tsino ako sa class, tapos after noon babalik na naman sa post. Di pa kami magkapareho ni mabel ng shift, so hindi kami madalas magkita.
Nakaka-kaba mag receive ng important guests, kelangan super PR mo, pero nakakainis mag assist ng mga bata! haay, di ko makalimutan noong na-assign ako sa exhibits, kinailangan ko pa dalhin sa ibang building yung buong class ng bisita! "OK maam, pls follw me, we're going to the gradutae school for ...." sunod naman yung mga kids sa adviser nila, na sinusundan ako, haay nakalimutan ko na yung mga small talks namin nun! ang hirap pala! Noong may synposium sa Medicine Auditorium, sabi nung head nung department namin "ang gwapo ni Mr Ng ah!", siyempre kunwari embarassed ako pero kilig naman.
Wala na siguro mas nakakapagod pa sa graduation mismo, ang hirap pag-aralan ang buong PICC, kung san manggagaling, kung pano mag march yung graduates, kung pano i handle yung guests, kungpano ihandle yung parents, kung pano pigilan ang lahat from taking pictures! may inaway pa ata akong magulang eh, nagpupumilit kasi, pinagsabihan ko lang naman. Pero sulit naman after.
Parang ang elegante na lang noon kapag may event, na parang sinemento ng gel ang buhok kong mejo mahaba pa noon, kasi kailangan, tapos hawak-hawak ko yung pinyang barong papasok sa school ...

Saturday, April 03, 2004
Passion of The Christ
Napanood ko kagabi yung movie, with May, dapat madami kami, kasi usapan last week na Friday nga papanoorin yun, pero wala naman sumipot :), na udlot din yung lakad namin ng SPL batchmates kasi nga super daming deadline sa company, kaya ayun, kami na lang best ang nanood. Super violent, or should I say "realistic" nung movie, mas nakakatakot panoorin kesa sa pagkatay ng baboy. Mejo nakakagulat ang mala- "exorcist" na music sa simula. Nakakatawa kasi sabi nung isang babae sa likod ko, "ang guapo naman ni Jesus, nagkakasala ako!"
Gusto ko siya kasi hindi siya masyadong religous, pinakita lang talaga yung suffering, hindi masyadong suggestive na "kailangan ito ang relihiyon mo!", pero ang sama ko na lang siguro talaga na pagkatapos ng movie, tumawa ako ng malakas habang lumalabas ng movie house, para kasing after manood, yung mga tao sobrang nagmumuni-muni, ang tahimik, nakayuko .... parang bumait ang lahat (except ako) pagkatapos nito.

Tuesday, March 30, 2004
Responsibilidad
Pagiging Ninong
Dati pa, umiiwas na talaga ako sa pagiging ninong. Masyadong malaking responsibilidad iyon, gusto ko pag naging ninong ako, handa na ako. Yung hindi lang pagpirma sa papel at pagbigay ng regalo kapag kaarawan o pasko, yung tipong handa na talaga akong tumayo bilang pangalawang magulang. Napaka immature ko pa, marami pa akong reklamo sa buhay at gulo na kailangang maayos, ang pagtanggap sa isang mabigat na responsibilidad ay hindi pa nararapat.
Pero noong nakaraang Linggo, hindi ko naiwasan. bininyagan si Richford at Juliana, kay Juliana nagawa kong sabihin ang naiisip ko sa pagiging ninong, pero yung kay baby richford, di ako naka-iwas, unang anak kasi ng pinsan kong babae. Sana magabayan ko sila hanggang sa paglaki nila.
Trabaho
Sige na, aaminin ko na. Naiiinis ako na lahat na lang ng priority ng accounts nasa aming part timers, tapos karamihan sa mga fulltimers ay puro phone sims lang! Isipin mo pang kami yung ginigipit sa oras at di binigyan ng trabaho sa holy week, sino ba namang hindi magagalit!
P
Dapat magkikita kami ni P ngayon, pero mukhang di gusto ng pagkakataon, tinatrabaho niya yung web page ng isang grupo, at ako'y naghihintay ng 6pm para matapos ang trabaho. May meeting pa ata mamaya, at may kasunduang kailangang matapos, di ko lang sigurado.
Mainit ang ulo ko, wag niyo ako lapitan!

Saturday, March 27, 2004
50 First Dates
Sa sobrang walang magawa kagabi, napagkasunduan namin na manood ng Fifty First dates matapos tumambay sa Greenbelt, kasi sabi ni May nakakatuwa daw, kasama ko si May, Earl, at si Mark. Parang ang hirap nung situation na pag-gising mo, nakalimutan mo na ang nangyari ng buong araw, pero kung halos araw araw ka mai-inlove, parang ang sarap nun!
Monday, March 22, 2004
Hangin ng Kabataan ... Pagbabalik Tanaw
Higit sa init ng hapon, napansin ko ang lakas ng ihip ng hangin na nagpapatunay na summer na nga talaga. Kakaiba siya, di tulad ng nakasanayang simoy nito, para siyang hangin ng kabataan, noong panahong hindi pa masyado uso ang computer games, at ang libangan ng kabataan ay ang paglalaro sa labas. Oo't adik ako noon sa computer, di pa masyado laganap ang teknolohiya noon, family computer pa lang ang pinaka High Tech na masasabi. Isa ako s mga batang nakakatapos ng Super Mario ng walang warp zone, na nagkaka hundred lives sa 3-1 ... pero mas nalilibang ako pag ako'y nasa labas.
Madalas ako mapagalitan noon ng aking lola, pagkatapos kasi ng tanghalian, magpapalipas lang ako ng konting oras at lalabas na ako, maghahanap ng pwedeng gawin. Para akong nakalaya sa kulungan. Minsan pag walang bata pupunta ako sa palaruan ng village, mag iipon ng malalaking bato, itatali sa kabilang dulo ng seesaw, at sisimulang maglaro. Pag may dadating na bata, pauupuin ko siya sa kabila pero di ko pinatatanggal yung bato, minsan mas enjoy pa kung bato na lang yung kalaro. Na adik din ako sa gagamba at tutubi. Maraming beses na nagtatakbuhan kami ng mga kalaro ko sa talahiban makahuli lang ng tutubing kalabaw, pupunitin ang pakpak para hindi makalipad, at pakakainin ng mga damo. Siyempre nagkaroon din ng panahon ng salagubang.
Isa akong batang kalye, di iyon maikakaila. Elementarya, di talaga ako nag aaral noon, nagtapos akong common sense lang ang pinapairal, hindi talaga ako nag re-review, kasi sa tingin ko hindi iyon ang buhay. Mas masarap umuwi ng maaga't abutan ang malakas na hangin para makapagpalipad ng saranggola na may bubog ang pisi! First year high school, bata pa rin ako noon, 5'6 na ko pero mas pinipili kong umuwi na lang kesa magtagal sa school para sa mga group meetings. Hassle talaga pag nasa pilot section, ang daming pinapagawa ng mga guro, istorbo sa kabataan ko, istorbo sa pagpapalipad ng saranggola! 2nd year na ako nawalan ng panahon sa kalye. May nakabalitang nag cultural dance troupe ako noong elementarya at kinuha ako para sa isang inter-school competition. Sa turo ng isang bayanihan dancer, nanalo ang grupo, at iyon ang simula ng sunod sunod na kompetisyon, district, division, regional, invitational, ang kung anu-ano pa. madaling araw pa lang nasa school na ako, at dahil sa mga rehearsals halos 9 na ako ng gabi nakakauwi, literal na sa paaralan na ako nasisikatan at nalulubugan ng araw. Di pa rin ako nag aaral, at wala nang panahong makapaglaro.
Dumating ang panahon na pinagsama ang cultural dance troupe at modern jazz group ng school, madaming issues pero wala kaming magawa. napilitan akong mag stretch hanggang sa mabali ang aking mga buto. Iba ang lambing ng folk dance sa intensity ng jazz at hip-hop. Na disorient ang sistema ko
sa pagsayaw. Sa ilalim ng miyembro ng Chameleon Dance Company, nakalimutan ko ang singkil, tinikling, paso doble, chotis, at binasuan; nakalimutan ko ang bahag, patajong, kamiso tsino, at barong; makalimutan kong maglaro.
Simula iyon ng pagtalikod ko sa kabataan. Bata pa rin ako, pero ibang laro na pwedeng gawin. Hindi na dapat isip bata. Pero nakaka miss lang yung panahon na wala masyadong iniisip, na kapag dumampi na sa pisngi ang simoy ng amihan, oras na naman ng pagpapalipad ng saranggola.

May mas suplado pa pala sa akin!
Sabi niya kanina pinili daw niyang maging suplado ..... "What does it matter to you anyway" dagdag pa niya. Suplado talaga! Magmula nung aksidenteng na-delete ko siya sa friendsters ko, hindi na niya na-accept yung invitation. Mga sampung beses na ata yun.
"Siyempre affected ako coz i was trying to reach out, pero ni-reject mo naman yung invitation sino ba namang hindi magtatampo, pero wala naman ako magagawa doon, respeto na lang". sabi ko
"I didn't ask for you to reach out anyway" - ineluki
So anong issue ngayon? Sabi ko hindi naman siguro kailangang ipaalam pa niya para ma invite siya, pinili niyang maging suplado, pinili kong kaibiganin siya ulit, tinanggihan niya. Tapos. Marami lang siguro akong hindi alam sa mga nangyayari. Dapat ipagpatuloy ang nasimulan nang hindi pagpansin sa kanya. pero minsan kasi sa kanya lang ako nagkakakuha ng balita tungklol kay P.
Nangihinayang lang ako kasi isa siyang mabuting tao, at masarap kaibiganin SANA. Pero kailimutan na natin yun! yun naman ang gusto niya eh.
Noong isang araw nag reply si P sa mga tanong ko, nakakatuwa. Wala lang, natuwa lang ako. Sabi ni C busy daw si P sa academic affairs. Goddluck at best wishes sa kanya :)

Thursday, March 18, 2004
Masarap daw ako! waaaaaaaaah!
nagpasama si May sa pagpapa-relax at rebond niya ng buhok ... kasi noong huling punta namin ni Yya sa UP nakita ni May na maganda yung resulta ng hair treatment ni Yya, kaya na-enganyo din siya. Siyempre hindi ko naman siya pwedeng iwan doon at umuwi na lang bigla, kaya sinamahan ko siya hanggang matapos ang "OPERASYON", hehehehe Joke lang May.
Tinanong daw noong nag-aayos sa kanya kung boyfriend niya ako, kasi naman lahat na lang ng sinasamahan kong babae napagkakamalang boylet ako! (Ako ang nangangailangan nito!)
May: "Hindi .... hindi yun talo noh .....".
Parloristang Bading: "So big mong sabihin ano din siya? ang dami na talaga ano?"
Parloristang Bading: pahabol "Pero masarap siya ha ..."
Waaaaaaaaaaah! ano ba yun! sila na ba ang market ko ngayon? haaaay buhay. At least may mga nagnanasa pa pala sa akin, hehehe! ano ba yun! Nakuwento kasi ni May sa gig ni mia eh, kaya natawa na lang ako....
Salamat pala Mia, at mukhang ikaw lang ang nakaka appreciate ng katawan ko by saying na im fit. hehehehe. Powerdance na ito!

Mia's Gig at Club Chill
Nakapag decide ako na magpunta sa club chill at panuorin ang aking katrabaho (bagong DR full timer) na si Mia sa kanyang gig, malapit lang naman ang aking tahanan sa Morato area at pumayag naman si Rommel na samahan kami ni Bestpren . Siya ang kauna-unahang DR full timer na nakilala ko. Sa opisina pa lang, kapansin pansin na ang galing niya sa pagkanta, na sasabayan pa ni Halleberry at Mommy Gina parang libreng concert sa floor. Super warm and friendly ni mia, kaya naman nakakasundo ko siya, eh madalas na lang kasi akong topakin diba, at lahat na lang ng tao iniisip na suplado ako (diba camille? siguro totoo ...)
Ang sakit ng ulo ko kahapon pag-uwi, mga alas tres ng hapon... nakatulog agad ako, at nagising ng alas otso para maghanda. Hinintay ko lang yung go signal ni May at ayun, kumuha ako ng cab patungong Timog. oo, timog ... tinanong ko kasi si Camille kung saan ba yung Chill sabi niya sa Timog daw. Nadaananan na rin namin yun ni Cla noong minsang nanggaling kami sa Pioneer Highlands, so iniisip ko na sa Timog nga siya. Binagtas namin ni manong driver ang kahabaan ng Timog, at wala kaming nakitang Club Chill. Ang sinasabi kong landmark na SBC ay hindi niya mawari! at kung anu-anong club ang sinasabi niya (yung alam mo na, may nangyayari sa dilim) .... mabait naman si manong pero mukhang iniisip niya na manyak ako kaya kung anu-anong club yung sinasabi niya. Tinawagan ko si May at nalamang sa Morato nga iyon. Nakita na rin namin yung lugar sa wakas.
Inaasahan ko na makakakita ako ng mga pamilyar na mukha pag akyat ko, ang pagkaka-alala ko kasi, pupunta daw sila Kenny, Allyn, Gina at ang iba pang DR Full timers (part time kasi ako, at wala akong nakitang part timer dun, so feeling ko ang epal ko na naman, as always). Si Camille kasi sabi niya nagkaroon ng konting aberya kaya di siya makakatuloy. Pag pasok ko, si Mike(Michelle) lang yung nakita kong pamilyar na mukha, at yung mga kasama niya? di ko kilala. Pero pinalipas ko na rin yung oras hanggang sa dumating si May at Rommel.
Kwentuhan... inom ... kwentuhan ... lagok ng Strong ice ... Papak sa sisig at fries ... at order pa ng mas maraming Strong Ice! (Ang sarap talaga ng san mig). Ang tapang namin na umiinom kami gayong may trabaho kami kinabukasan, ako 9am sa bagong building ng PeopleSupport (ExportBank Building sa Pasong Tamo, 21st floor just in case dadalaw ka), at si May? 6am! siyempre ginulo ko rin ang sched ni rommel na magtatrabaho pa sa ospital.
Magaganda yung songs ni mia, at ang galing niya. Nakapag kuwentuhan pa kami pag may pagkakataong hindi siya kumakanta, nakakatuwa. Mag a-ala una na yun ng umaga at tinapos namin yung buong set niya. paalis na kami noong tumawag naman si mike, tinanong kung hanggang anong oras pa kami, wrong timing talaga parati itong kaibigan naming ito! 12:30 na nun, kakatapos lang daw niya magtrabaho (at hindi siya sa call center). Sana magtagpo rin ang schedule namin minsan para makalabas ulit kami, kasama ng buong barkada (Calling Friday the 13th!).
Pag uwi ... tulog ... parang karugtong nung sakit ng ulo ko ng hapon, pero naipahinga ko naman ng maayos, salamat sa mahimbing na pagtulog ... salamat sa Strong Ice!

Monday, March 15, 2004
THOMASIAN 2003 Yearbook at bagong phone
sabi ni Yya, na-release na daw yung Thomasian Yearbook, kaya dadalaw na naman ako sa aking mahal na pamantasan para makuha ang kopya ko. Ano kaya ang hitsura nun? dati kasi sobrang pormal ng outline, ngayon kaya? ano kayang pic ko ang nandun? colored kaya? dami kong hindi alam ah! parang ang alam ko nagbayad lang ako noon ng graduation fees at kasama ang Thomasian sa binayaran ko, yun lang, pero kahit anong idea about it la na akong alam! hahahaha :)
Ngayon tuloy iniisip ko kung kelan naman ilalabas yung College Annual ng Science, ito talaga pinag ipunan ko noong panahon ng kagipitan para magkaroon ako ng kopya! ang dami ngang arte eh, may baby and barkada pics pa, wish ko lang maayos nila yun, yung di ako madi-disappoint sa kalalabasan. Tinatapos na daw yung digital copy eh, saya matapos na yung print.
Excited na ko! hehehehe.
Si bestfriend nag decide na pumunta rin sa USTe mamaya from work para masamahan namin siya ni Yya na magpa-relax na hair... matagal na niya tong plano ... maganda kasi yung result nung kay Yya kaya na enganyo na rin siya ... Konti na lang part na rin siya ng Jawbreaker kahit na from UP Econ cya ... hehehehehe
Gumawa ng tagalog na post si P. nakakatuwa, hindi ako sanay eh. Siyempre di ko alam kung sino si A pero natutuwa ako na hindi naman masyadong mabigat yung bagong post niya. Miss ko na siya, sana magparamdam ulit siya :)
Sana makabili na kami ni best ng phone, pinaplano naming bilhin yung 3660 sa madaming kadahilanan. Katas ng pag chachat sa office at pagsu-surf at pag bo-blog! ang hirap ng trabaho ko! hehehehe.

Subscribe to:
Posts (Atom)