Wednesday, March 16, 2005

Alaala

2:30am

"Ang tigas ng ulo mo. Sabing 'wag masyadong magpakapagod" - si Raf, nakakunot ang noo.
"May iniiwasang isipin, kelangan busy parati"

Tahimik

Siguro iyun na lang talaga ang pangligtas kapag nalulungkot, ang libangin ang sarili sa ibang bagay. Ubusin ang lahat ng oras sa trabaho, kaibigan, pagbasa ng libro, paggawa ng website, pag surf sa porn sites, manggago ng tao. Hindi dapat bigyan ng pakakataon ang damdaming mag-inarte at mangulila sa isang taong lubos mong mahal.

Pero may mga minsang pagkakataon na kapag nasobrahan, babalik at babalik din sa kung ano ang pilit na iniiwasan. Minsang pagkakataong tulad nito.

“Di naman kailangan sobra”
“Raf, kung aawayin mo ako, sana iniwan mo na lang ako dun sa clinic. Nag-eenjoy ako tingnan yung mga kotse sa Ayala from my spot dun sa PBCom”

“Nag-wo-worry lang ako”

1:00am
"hi, how are you" - si Raf
"Sa clinic, but I'm okay. Why are you still up"
"may pumasok lang sa isip ko. Can't sleep. bakit ka sa clinic?"
"hypertension, stage 2. Okay lang, I dont feel like working. Takas trabaho"
"What! I'm picking you up. Be there by 2:00am. Hatid kita sa bahay"
"You should be sleeping Raf, pag malaman yan ng guy mo lagot ka"
"Ihahatid kita. Be there by 2:00"

“Ano pala yung iniisip mo kanina, bakit di ka makatulog” halos pabulong kong sinabi.
“Wala lang”
“Nag away kayo?”
“Hindi naman”
“Madalas ka ba niyang awayin?”

Ngiti.

Ilang beses din akong nahulog sa ngiting yun. Tang-ina, walang palya! Ilang gabi ko ring pinangarap na muling masilayan, kahit sandali ang ngiting dati nang hindi akin. Nawala ako sa sarili ng ilang sandali.

“’Di kasing dalas ng pag-away mo sakin” – tawanan
“Haha! So nagbibilang ka pala!”
“Hehe, hindi naman” – ngiti

Tahimik.

“Lam mo, you shouldn’t be doing this. Baka mamaya may tumawag na naman sa bahay, awayin ako” – halos pabulong ko ulit sinabi.

“Sorry, di niya dapat ginawa yun”

Tahimik.

“I thought of you. That’s why I can’t sleep”

Nakapikit kong dinama ang mainit niyang kamay. Mahigpit pero maingat ang paghawak. Iba’t ibang emosyon: takot, saya, panghihinayang, pagmamahal. Mahal ko pa rin siya.

“Anong naisip mo”

Tahimik.

“I miss you” …

“Alam mong walang magagawang mabuti ito” – habang nakatitig sa mga mata niyang sumasamo, humihiling ng pang-unawa, nananabik, nagpipigil, naluluha.

Magkahawak ang mga kamay, magkadikit ang mga noo, nakapikit. Dinarama ang lahat ng kaya sa bawat nakaw na sandali. Parang isang bagsakan ng lahat ng inipong emosyon mula noong huling nagkasama. Nakakanginig, nakakaiyak.

“I miss you bee” – si Raf habang humihigpit ang yakap.

1 minute.

“I love you” – si Raf.

I love you. ‘Tang ina, mahal na mahal kita.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha, habang nag-iiwan ng magaang halik sa kanyang mga labi.

“That’s not enough, bee” – mahina kong binulong sa kanya.
“Love is not enough”.

Monday, March 07, 2005

"Fade"
Solu Music Hed Kandi

Look at me, stare inside.
Take my place, in my mind.
Capture me, follow through.
Validate, wanting you.

It's been a long, long time.
Since you been on my mind and I...
I must forget about us.

Turned away. What to do ?
Let it go. Follow through.
Lost within. Endless eyes.
Lusting calls. Logic cries.

Baby this seems so right.
Baby this seems so wrong.
Hour after hour, so long,
day after day, so long,
year after year after year.

And now we're here...
Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.

Hesitate.
Pull me in.
Breath on breath.
Skin on skin.
Loving deep.
Falling fast.
All right here.
Let this last.

Here with our lips locked tight.
Baby the time is right for us...to forget about us.
Shelter me.
Give me light.
Sexy days.
Sensual nights.
Ain't no way, you'll be gone.
Cause I'll be here, still holding on.

Baby it's been so long,and it could be tonight.
Hour after hour, so long,
day after day, so long,
year after year after year.

And now we're here...Never fade from my mind.
Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Never fade from my mind.Shower me and give me life.
Never fade from my mind.
Always there when I close my eyes.
Give me life.
Give me life.
Give me life.
Give me, give me, give me life.
Never fade from my mind.Shower me and give me life.
Give me love and give me life.
Never fade from my mind.Always there when I close my eyes.Never fade from my mind.
Shower me and give me life.Give me love and give me life.Never fade from my mind.Always there when I close my eyes.Never fade,in my life.Never fade,in my life.Never fade,in my life...

Thursday, March 03, 2005

kanina, habang binabalikan ang ilan sa mga lumang posts ko, napansin ko ang isang kumento na nakapagpataba sa puso ko ... maraming salamat kiko.
________________________________________
On : 12/27/2004 7:53:01 AM isko (www) said:

ang ganda ng nakasulat... sarap umibig ano? sakit nga lang mabigo.. pero masakit din sa ulo ang may iba't ibang mahal.. nde naman sa pagiging opurtunista.. pero minsan nagkakasabay sabay talaga eh.. sabi nila..likas daw sa lalaki ang maraming babae...pero..minsan din kung alam ng babae.. kahit masakit sa kanya.. natatanggap nya... likas din kasi sa kanya ang pagiging martir. sa ngayon? yan ang problema ko.. 3 ang karelasyon ko.. ung orig... alam nyang may iba akong sabit.. yung 2nd.. alam nya rin na may sabit ako.. yung 3rd.. alam din nya.. lahat naman sila eh.. kasi before hand..sinasabi ko na.. kaya lang nde mo talaga maiiwasan.. ako gumawa ng sakit ng ulo..kaya madalas ulo ko ang sumasakit.

siguro ito na ang tinatawag na karma.. kung anong gawin mo..babalik sayo... noong nasa sekondarya at kolehiyo ako..nde ako marunong lumapit sa babae.. kasi hindi ako guapo hindi rin ako mayaman..wala akong ka dating dating.. maralita lang kasi ako..hindi ko kayang bumili ng pamporma.. isang tipikal na mag aaral.. ngayon? ganun pa rin..natuto lang siguro akong magsalita ng galing sa loob ko.

pano ko ba kayo makikilala? sa mga nabasa ko rito... mahusay na alagad ng sining ang may akda ng mga nabasa ko.. sana magkaroon ng pagkakataong makapag ambag din ako.

maraming salamat at magandang gabi- kiko
__________________________________________
Ang post na nabasa ni Kiko ...

What’s wrong with you!
April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …

Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.

“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …

Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …

What’s wrong with me?

Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.

Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move on pare, sabi ko sa sarili.

Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.

Isang araw naka receive ako ng text:

“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …

parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.

Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …

Kanina lang nag text ako …

“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …

Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …

Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.

“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”

katahimikan…

“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!

he hung up.

Monday, February 28, 2005

Not so sure bout the lyric's, just got it from one blog.
I miss my bee so much ... Sorry if hindi ako nagpaparamdam lately, you know i need to do this ...
____________________________________
Ever After - Eric’s Beach Mix
Bonnie Baily
Hed Kandi Summer Mix 2004


Three years ago my journey began
Chasing down this cure, no plan in hand
Just your pulse, my racing guide in the dark
Just knowing with conviction from the start
The moment your eyes made an introduction
I felt my second violent breath of life
Flawless to the point of being godly
Yet I fell hard for your imperfections

And now we're slightly weathered, we're slightly worn
Our hands grip together eye to eye through the storm
yetI still believe in ever after with you
Coz life is a pleasure with you by my side
And there ain't no current in this river we can't ride
I still believe in ever after with you

Nothing compares to the good times
Feels like we're floating when the rest have to climb
You made me believe in love and not the perfect kind
A real messy beautiful twisted sunshine
Emotions volcanic eruptions
We both still care so we're still alive
Tunnel vision, determination
I want you I want to make it right
You are my twisted sunshine

Monday, February 14, 2005

araw mo

Sa kawalan man, pumipintig pa rin. Nagpaparamdam. Sa kabila ng hinaing, ng sama ng loob ... sana'y mahanap ang kahit konting sandali ng pagtanggap at pagbangon ... ngayong araw mo, subukang maging matatag, kahit pagod at sugatan, subukang ngumiti ... ngayong araw mo, puso, subukang lumigaya. Kailangan kong lumigaya ka ...

Wednesday, February 09, 2005

Sa pagtatapos ng mga bagay-bagay

Tuldok … gano man kaliit, halos 'di man makita, mabigat pa rin bitawan para tapusin ang isang pangungusap na malabo, magulo, walang saysay.

Kagabi natapos ang isang pangungusap sa talatang walang direksyon, walang patutunguhan.

Tuesday, February 01, 2005

Alaala

*** dalawang taon na ang nakalipas

... Ilang ulit na bang nangyari ang ganito … para akong pinaglalaruan ng hangin … binitawan na nama’t iniwang paralisado … wala akong maramdaman! Siguro ganun talaga, matapos magpakasasa sa ligaya, babawian ka ng sakit na hindi mo kakayanin, at dadarating sa puntong wala ka na lang pakiramdam dahil nasanay ka nang magtiis … haay ang labo tsong, ang labo talaga...

Habang Narito Pa (Bayang Barrios:Mike Villegas)

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
Huwag maliligaw habang nandito ako
Ang ilang saglit na tayo'y magkasama
Ingatan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Huwag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At pag-ibig lang ang tanging naialay sa yo
Mga munting sandali sa ating pagsasama
Hagkan na natin bago malayo
Ng tuloy-tuloyan at ang pag-asa'y lumipas pa
Bago lumipas pa

Habang narito pa ... Habang narito pa ...
Habang narito ka ... Habang narito ka ...

Wuhag kang malulungkot kung ako'y mawala na
At ika'y humimlay habang nandito ako
Ang munting panahon ng tayo'y magkasama
Hagkan na natin bago malayo ng tuloy-tuloyan
At ang pagnasa'y lumisan pa
Bago lumisan pa
...

para kay ...

minsan ang pagkakaibigan ay parang pagpapalaki ng anak. kailangan ng aruga. kalinga. gabay. at paminsan-minsan, kamay na bakal. gagawin mo ang lahat para makasigurong hindi mapapariwara. masaktan. maligaw ng landas. pero kahit anong gawin mo, masasasktan pa rin. maliligaw. wala kang ibang pwedeng gawin kundi hawakan ang kamay niya habang umiiyak. yakapin ng mahigpit, at umasang maramdaman nya kung gaano sya kahalaga sa iyo. kadalasan, gusto mo ring mangutya. sabihin sa kaniyang, "sabi ko na sa iyo. ayaw mo kasing makinig." o kaya. hayaan mo na lang sya. malaki na sya. may sarili nan'g pag-iisip. buhay nya yan. masakit kapag hindi ka nya maintindihan. mas masakit kapag pinili nyang huwag kang intindihin dahil hindit tugma ang katwiran mo sa gusto nyang mangyari. pero ano nga bang magagawa mo kundi maghintay at magdasal. maghintay kung kailan ka nya kakailanganin. magdasala na sana'y matagalan bago ka nya tawagan nang umiiyak, nadapa, nagkamali. minsan, naiisip mo'ng wala ka na'ng natitirang pagtitimpi. huling pagkakataon na'ng malalapitan ka nya kapag nasaktan na naman sya dahil hindi sya nakinig sa iyo. huli na talaga. hindi na mauulit. pero magri-ring ang telepono. mag-bi-beep ang cellphone. kakatukin ka sa bahay. masasalubong mo sa isang party. hahanapin ka. at makikita mo nalang ang sarili mo na ngumingiti. yumayakap. nakikiramay. umaalo. nagpapayo...nagpapatawad. pro sa mgayon, hindi pa. huwag muna. pagod ka pa.

Sunday, January 30, 2005

Bee

Kung maaari lamang, siguro pinigilan ko sa pagtibok ang puso kong nananabik makasama, mayakap, at mahagkan ka sa bawat sandali. Katumbas ng ligayang dulot ng pag-ibig ang pangungulila sa tuwing ika'y wala sa piling, at takot na bigla na lang bawiin ang sarap at sakit nito. Ngunit hindi maaari. Dito sa aking silid, hindi mapigilan ang pagsigaw ng puso ko: 'Mahal Kita'. Mahirap, masarap, masakit ... ngunit mahal kita. Mahal na mahal ...