Saturday, June 26, 2004

Kumpisal ng Isang May Sakit ...

Ang Pag-Amin

last year, sabi nung doktor ko sa UST Hospital, meron daw akong anxiety disorder. Umm, siguro nga tama siya, pero hindi naman siguro sapat na sabihin niyang uminom ako ng anti-Ds para sundin ko siya, normal ako, natatakot lang minsan sa lahat ng bagay, pero sino bang hindi natatakot? Pasensiya na lang kung minsan ang dami kong reklamo sa buhay, ganun lang talaga ako atakihin kapag tinotopak ang lintik na sakit na ito.

Pampagaan ng Loob

Natutuwa ako sa maraming bagay, sa sobrang tuwa ko, nagkaroon ako ng gana na ilista silang lahat sa post na 'to. Sana matuwa din kayo =)

1) Natutuwa akong hindi ko na masyadong pinahihirapan ang sarili ko. Malaki ang naitulong ng mga experiences sa mga nakalipas na taon, mas maraming pressure sa sarili, mas malungkot, at hindi iyon ang buhay.

2) Natutuwa ako sa panibagong pagkakataon sa trabaho na ibinigay sa akin ng SMART, matrabaho, madaming ginagawa, pero siguro nag mature na lang ako bigla na hindi ko na pinoproblema ang performance ko sa office, basta alam ko nagtatrabaho ako ng matino, pag hindi nila gusto ang ginagawa ko, problema na nila yun, hindi ko kailangan paligayahin ang lahat.

3) Natutuwa akong mukhang masaya sa Paolo sa bago niyang relasyon. Best wishes P =)

4) Natutuwa akong marami akong tunay na kaibigan na mahal ako, at mahal ko rin nang lubusan.

5) Natutuwa akong hindi na ako nangungulit ng mga tao.

6) Natutuwa ako na na-miss ako ni Tin Lim Ang =P, salamat sa pagpaparamdam kaibigan, tulad na sabi mo, sana lumabas tayo minsan, at mukhang marami tayong pagkukwentuhan

Natutuwa ako sa mas marami pang bagay na hindi ko na pwede ibahagi sa inyo. Sama sama tayong magpakasaya! =)

6)

Friday, June 04, 2004

Ito ang Buhay

Isang linggo rin akong hindi naka-connect sa mundong ito, kaya maraming kwento, isa-isahin para sa mga interesadong bumasa. Sa mga nag-iisip kung ano na ang nagyayari sa akin sa bago kong trabaho, pakibasa po sa pinakababang parte ng post na ito. Salamat.

Mga Kasali sa Kwento:

1) Podi Alejandro
2) Si Camille Ganda ng "Moonflower Farm"
3) Si Allyn (di pwede sabihin ang blog title)
4) Si Kenny ng "BreakdownAndCry"
5) DR Part-Timers (Sila Ishmuh, Michelle, Leo, DR Batch 3 -Jona Shemai Bruce Jake Mommy Iris)
6) Si Nancy King, ang partner in crime ko sa PS dati
7) Ang mga Simply Amazing
8) Si Maam Myn
9) Si Sir Lito
10) ang mga consultants
11) Ang dating 'Ga na si Ioh
12) Si Jane Tabuzo ng gungho
13) Ang Birthday Girl Liza



PAULIT-ULIT
Kanina Pagbukas ko ng blog, inisa-isa ko ang mga nakalista sa "mga kaibigan" na section ng sidebar ko, naisipan ko lang buksan ang blog ni PODI, nakatutuwang kahit pano may nakasulat na dun, sapat na para maisip kong ok lang siya, at masyado akong nag-wo-worry sa mga taong hindi ko naman alam kung pano talaga ako patunguhan, hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami eh, matapos ng isang session sa YM, bigla na lang siya nawala, pinag-isip ako ng malalim, naapektuhan ako ng husto, kahit isang text, kahit pagsagot sa telepono hindi ginawa. So ano ba ako? WALA. masama ba loob niya sa akin? hindi ko alam. HIndi ko na siguguro iisipin pa ang mga nangyayari sa kanya, kasi wala namang silbi, ako lang ang naapektuhan. Bahala na. Pero sapat na para gumaan ang pakiramadam ko sa bago niyang post sa blog niya. Ingat ka parati. Nandito lang ako pag nandiyan ka na para sa akin. malabo.

CORPORATE-Y!
Kahapon, nung nalaman ko ng may "field trip" ako sa contact center ng kumpanya ko kinabukasan, inaya ko si Camille na mag lunch out sa Eat ng RCBC. Nagpakita rin ang mga SPL Worldgroup batchmates ko, kaya nakakatuwa. Pareho kaming nagulat ni Camille sa hitsura namin, naka "COSTUME" kasi kami, nakakatawa, at siyempre pag magksama ang Camille at Tauffer, mawawala ba ang PICHURAN? siyempre hindi!

Nabasa ko na rin ang updated blog ni Allyn, at hindi na PERSPICACITY ang nakikita ko (tama ba ispeling?). Sige labas tayo misan, miss na po kita! at ang Kenny, nag reply after 24 hours sa text ko ng "ang bigat naman ng trabaho mo" hahahaha, wasup tsong! paramdam ka naman.

CLUB MANILA EAST SA SUNDAY
Eto na! tuloy na toh! club manila east with PS friends, thanks Ishmuh ang Leo! Masaya toh!

Sana tuloy na plan sa celebration ng birthday ni Bruce sa 27, magkikita kita na ulit ang buong batch 3 na napakagaling! Miss ko na kayong lahat, sinong mag-iisip na magiging ganito tayo, eh noong training ang suplado nating lahat! hehehehe. Salamat ng madami Mitzi! Love yah! siya kasi ang may pinaka cute ng "tse!" at nagpapaalala sa akin ng mga bagay bagay, madami rin siyang updates, salamat po talaga. Si Mommy Iris naman, ginawan ako ng bagong testi sa Friendster, na touch ako sobra, salamat po mommy. Crush ako ni carpet? hahahaha!

Nancy! na miss kita! sayang wala ako sa Ayala kanina, sana nakita kita, gimik tayo ha? just tell me kung kelan tayo pwede :)

Mamaya lang, 2 hours na lang birthday na ni Liza! Happy Birthday! miss you po. Love yah! (madami kaming napagdaanan na pagsubok nito sa maikling panahon, nakaka miss)

Nag text si Jane (Tabuzo), napaaga daw yung punta niya ng Isabella, hope evrything's ok with your hubby. Thanks Jane.

SIMPLY AMAZING

Ika-apat na araw ko kanina sa bagong company, sabi ni Maam Myn sa history daw ng mga tinatanggap sa company, ako daw ang may pinaka maikling "IDLE TIME". Naramdaman ko nga eh, First three days pinakilala na ako sa mga consultants ng ibang IT companies na makakasama ko sa mga projects ko, pati na rin sa manager ng call center ng company, kasi ako ang nag-hahandle ng mga systems ng contact center namin. Ang dami at ang lawak ng scope ng ginagawa ko, pilit kong inaalam ang sistema hindi lamang ng kumpanaya namin, kundi pati na rin ang mga pinaggagagawa ng ibang consultants, kasi kami ang team sa pagbuo at pag-aayos ng mga info systems.

Kanina, dinala na ako sa call center ni Maam Myn para sa turnover, bakit parang pakiramadam ko masyado akong involved sa mga projects? Ang daming interaction, tapos may remote post pa ako, bukod sa Ayala station ko. Kanina nag run kami ng production test para sa isang sytem na dapat ay ok na, palakad lakad kami ni maan Myn to monitor kung ano na nangyayari at tinutulungan ang mga agents kung may problema sila sa paggamit ng system. After 4 hours, nag hang siya, na-alerto ang lahat, ang iba nag panic, na anxiety-attack ang mga agents, delayed ang response ng system. sabi ni big boss? "STOP THE TESTING" .. heto na naman, troubleshooting na naman. Nakakapraning na nakakatuwa. Ang. dami kong natututunan. hndi ko na pinahihirapan ang sarili ko, di tulad ng dati. Nakakuha ako ng tip kay Maam Myn, "wag mo masyado i-pressure ang sarili mo, mafu-frustrate ka", tama nga naman siya. Close na kami, as in. Salamat pala kau sir Lito sa pag offer ng help for Monday, officially ako na lang talaga mag-isa ang ta-trabaho sa Monday kasi sa Ayala na permanente si Maan Myn. Sa buong IT dept, ako na ang i-tag nila sa "MULTO" kasi parating wala sa Ayala office, hindi na si maam myn. Ok lang, mas masaya nga sa sites eh, kasi sa IT, di ko mapaliwanag ... hahahaha.

uyyy, o nga pala. Malambot ang kamay ni Developer Dennis ng Oracle! hahahaha, yun din kaya inisip niya sa kmaay ko? hmmmmmm.

'GA IS SHORT FOR PALANGGA
Kahapon, nagkita kami ni Ioh after ng work namin, nag part time kasi siya as barrista sa isa sa mga Coffee Shops sa Ayala, habang nag-aaral. Ang pinaka vivid ng alaala ko sa kanya eh yung nasa UST pa ako. Minsan pag lunch pupunta siya dun, nag ti-tyaga para lang magkasama kami. May time na tumambay din kami sa Benavides, nagkukwentuhan, nakahiga siya sa lap ko, ako nakatingin sa stars .... hahahah nakakatawa naman ikwento toh, pero ganun talaga. Nasita pa kami ng umiikot na guard ng school, sabi sa kanya, bawal po "humiga sa bench" . LOL! dami pa rin siyang kwento. dati natanong niya nung may prob siya sa lover niya, "Bakit ba hindi naging tayo?" .... bakit nga ba? hindi ko rin alam.

Thursday, May 27, 2004

Photography

Kanina lang, napadala ni Camille yung updated na blog ni Jakee, nakaka inspire tingnan yung mga shots siya, nagustuhan ko yung sa ballet philippines, si camille naman gusto yung sa food, ang galing niya talaga, sabi ko kasi may mata siya sa magagandang anggulo at meron siyang magandang camera na sumusuporta sa mga ideas niya.

Dati ko pa iniisip na kumuha ng photography lessons, pero hindi lang pinapahintulot ng oras, at salapi. Parang ang mahal na luho nito pag nagkataon, kaya naman inaabuso ko ang aking CamFone hindi nga lang kagandahan ang quality.

Tinanong ako kanina ni Supervisor Van kung kumuha daw ako ng photography lessons, I honestly answered "No". Maganda daw kasi yung anggulo nung iba kong kuha, nakakatuwa naman na may nakaka appreciate dun, salamat sa inyong lahat :)

salamat sa mga sumusunod na nagbibigay sa akin ng gasolina para kumuha pa ng marami ...

1) Camille - "ei, ang ganda ng pics! akala ko camera ginamit, phone mo pala. ang sayay saya!!! "
2) George - "nice pics... ang ganda ng mga kuha mo... nawala phone ko kaya wala ako mai share when i went to puerto also... nie shoots... professional... galing galing... "
3) Mary - "wow, nice shots... are you a photographer? the scenes: good choice, the photos: they're amazing!" lol!
4) Iris - "hello Tauf! nice pics!!! tipong makaka-gawa ako ng isang magandang tula sa mga scenery na ito!!! ang sexy mo tsong!!!"
5) Jane - "wat da heck phone ba talaga yan.. i'll get one na rin..lol tauf may future ka pala as a cinematographer..take note d fotographer, pero puede na rin.. ang galing ng shots.. "

Sa mga hindi pa nakakabisita, mas marami pang pics sa pbase ng panibugho ... www.pbase.com/panibugho wag kalimutang mag iwan ng comment sa gallery.

Quality Response

Salamat kay Nina Ricafort ng Quality Response Team sa pagbigay sa akin ng mga grades na nag average na 99% para masama ako sa listahan ng Top Performers. (Kung kelan naman ako paalis na sa company) LOL!

Isa itong magandang alaala na maiiwan sa PeopleSupport. Go for the sale! Viva DR Part-Timers!

Wednesday, May 26, 2004

Six Feet Under Season 3!

kagabi, aksidenteng naabutan ko yung 2-EP season premier ng Six Feet Under sa HBO, astig astig astig! mahal ko talaga to!

Tuesday, May 25, 2004

Bagong Umaga

Bawat buhay ay may patutunguhan
Bawat pangarap ay may katiyakan
Sa puso mo, huwag mabibigo
Nasa iyo ang kapangyarihan
Nasa iyo ang pagkakataon at tagumpay

Halina kayo't gumising salubungin ang bagong silang
Halina kayo't tumulong lipulin ang dililm

May bagong umagang parating
May bagong umagang parating
Bagong umaga, bagong umagang
Parating...

Bagong Umaga (Bayang Barrios, Mike Villegas)


Lumalaki akong paurong, mas matalino at mapagkakatiwalaan ko ang "CHRIS" ng nakalipas sa "TAUFFER" ng kasalukuyan.

Nakakainis isipin na kapag may mga taong nagtatanong sa akin tungkol sa mga bagay na dapat ay alam na alam ko, wala akong maisagot na matino. Kinalawang na siguro ng kabagutan ang mga naipundar ko sa aking kaalaman. Matagal ko ring napabayaan ang aking sarili, ngayon nangangapa na naman ako sa mga bagay na dapat ay dati pa, gamay ko na. Isang linggo na lang lilisanin ko na ang contact center na ito, at lilipat sa isang telecommunications company para maging systems development analyst. Mas pinagkatiwalaan nila ang kakayahan ko, kesa sa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung mapapantayan ko ang inaasahan nila mula sa akin, hindi ko alam kung matutumbasan ng magagawa ko ang suweldong inalok nila sa akin, madami na talaga akong hindi alam sa sarili. Kahit pa, excited na ako sa panibagong pagkakataon na ibinigay ng tadhana, madami-dami na rin akong pagkakataon na pinalampas ... panahon na para maging seryoso't tutukan ang oportunidad na ito ... Simply Amazing!

isang bagay ang natuklasan ko sa mga nakalipas na buwan, nilason na ng pagiging emosyonal ang sistema ko. Parang hindi na umiiral ang tamang pag-iisip sa mga desisyon na binibitawan ko, tinatangay na lang ako ng kung anuman ang aking nararamdaman. Kung malungkot ako, mag iisip ako ng paraan para tumakas. Senyales na pagiging isp-bata, gusto ng mabilis na pagtakas kung hindi na maligaya. Hindi dapat ganun sa buhay. Pero para akong alikabok na sumunod sa ihip ng damdamin, ng hindi masyadong nag-iisip, kaya kung saan-saan ako napadpad. Kahit pa, swerte na lang sigurong hindi ako nagkaroon ng malaking pagsisisi sa mga naging desisyon ko. Mabait pa rin sa akin ang sansinukuban, kaya dapat maging mabait din ako sa kanya.

Kung may mga bagay na madaling takasan, mayroon din naman na pilit na kumakapit kahit ano pa aking gawin ko (o baka naman ako lang ang ayaw bumitaw). May mga pantasyang mahirap kalimutan, kasi sila na lang ang nagpapaligaya sa akin kung minsan. Pero tulad nga ng salitang pantasya, wala itong katotohanan. Parang nagtatago ako ng hangin at umasang balang araw magiging bato iyon, bagay na pwede kong hawakan at maramdaman, ibato kung nararapat, basta totoo. kagabi nag away na naman ni RG, parati na lang ganun. Simula noong natapos yung relasyon namin dalawa, naging mahirap na para samin na maibalik ang kahit pagkakaibigan man lang. Kagabi, pareho kaming sumuko sa isa't isa. Move on pare ... move on. Dapat lang talaga.

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong 'pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan tuwina
Doon lang ...

Doon Lang (Nonoy Zuñiga)

tuwing iniisip ko ang kahulugan ng mga letra ng kantang ito, tama ngang sa panaginip lang pwedeng gawin ang hindi kaya sa tunay na buhay. Ang nakalipas ay parang panaginip lang. Darating ang oras na magigising ka't pagbangon mo, may bagong umagang sasalubong at magbibigay ng bagong pag-asa, kung hahayaan lang nating mabuhay sa kasalukuyan, kalimutan ang nakaraan, at humarap na tunay na kinabukasan, nang hindi nagpapadala sa panaginip na dumapo minsang tayo'y natutulog.

Saturday, May 08, 2004

Inabuso Ako!

Common Ground
Kagabi sa Common Ground, Malate, may mga kababaihang hinihimas ako sa balikat, at hindi ata nakuntento, pati buong likod ko hinimas!

Dan Eric's
Nagdala si Super Sup Shey ng Dan Eric's ice cream kanina, masarap siya at mura in fairness...

Thursday, May 06, 2004

Bagong Pagkakataon

ayan, matapos ang tatlong oras na paghihintay na maayos ang lahat na nabulilyasong log-ins ko sa office, empleyado na ulit ako ng PS. Kasama na ako sa distribution list, na-scale na yung cms log-in ko, Mavcomm priority 1!

trabaho, trabaho, trabaho!

Sinong May Sala?

Ok, nag pass ako ng resignation letter last thursday, I was hoping na mapipirmahan agad yun ng team manager, pero hindi. Late na, tuesday ko na nakuha yung pirmadong documents, kung hindi pa ako nakiusap sa isa sa mga empleyado dito. Salamat kay Siege na nag asikaso ng mga dokumento, at kay Leo na napakiusapan kong papirmahan yung mga yun.

Kahapon ng umaga, nagpunta ako sa HR para ibigay lahat ng kailangan, pati na rin yung mga training manuals para sa clearance. Ang linaw na nakalagay sa resignation letter na effective MAY 30 pa iyon, at sa exit interview, nasabi ko rin yun, pero bakit ganun! pag pasok ko kaninang tanghali, sabi ni mitzi "Wala ka na sa outllook!"

Tinanggal na pala ako sa distribution list. Sa loob-loob ko, madali lang yan, konting tawag lang yan sa helpdesk, ok na. Kaya naman nag log-in ako sa station ko para maayos ko na yung mga tools.

"Your account has been disabled!"
ampucha!

Bakit ganun? sobrang hassle, di ako maka login sa station ko mismo! Yun pala, nasama ako sa May 5 termination, kahit na MALINAW na nakasaad sa resignation letter ko na May 30 effective yun. Nakakainit ng ulo! Buti na lang tumulong agad si Allan, siya na alng ang naasahan ko ata sa HR eh, ewan ko ba! pati sa callmaster ko hindi ako maka login, kaya eto, wait ako ng ilang taon para maka login ako, BUSET!

Na-badtrip na nga ako sa forcedesk team at finance kasi kulang yung bilang nila sa oras ng trabaho last pay period, tapos ito pa!

pabaya ... nakaka disappoint ...

Tuesday, May 04, 2004

Karton

Nagkaroon ng party ang Direct response account sa Dencio's noong sabado. kasabay ko si Mia dumating, matapos namin manggaling sa Dusit Hotel para sa numbers na old contacts niya. Masaya, madaming gaguhan, madaming pagkain ... at siyempre, sa mga pagkakataong libre tulad noon, inabuso namin ang bawat sandali ... nakainom pa ako bago pumunta ng opisina (bawal!) ...

Mag isa akong naglakad patungong Ayala, mula sa Paseo Center. Malamig ang gabi, konting init lang ang dulot ng limang bote na mig-light. Habang nag aabang ng sasakyan papuntang opisina, nakasalubong ko ang isang matandang lalaki, pagod na pagod habang bitbit ang di-kalakihang bag, at ilang piraso ng karton ...

May dumaan na bus, sasakay na sana ako pero parang hindi kayang lumihis ang tingin ko sa matanda. Dahan dahan niyang inaayos ang karton sa sementadong bangketa ng Ayala, parang gumagawa ng paraan na mabawasan ang epekto ng lamig ng sahig sa mahina niyang katawan. Apektado ako, parang dinudurog ang puso ko habang minamasdan siyang naglalabas ng ilang piraso ng diyaryo at kontong kendi na ibebenta sa gabi. Di siguro aabot ng isang daan ang pwede niyang kitain mabili man lahat ng paninda niya. Nahabag ako.

Habang ang ibang taga DR ay nagsasaya at nagpapakabusog, ito si tatang, tinitiis magpakapuyat para kumita ng salaping tatlumpung minuto lang i-uupo ng isang part timer na tulad ko. Pano na ang kanyang pamilya? may pamilya pa ba siya, baka naman binubuhay niya ang sarili niya sa pagtitinda, maraming posibilidad, pero isa lang ang malinaw ... masuwerte pa rin ako.

Siguro napaka immature ko na parang sa sarili ko umiinog ang mundo, parating ako, ako , ako. Ang dami kong reklamo sa buhay, pero minsan, kinakailangan ng isang tatang para makita ko ang tunay na buhay ...