Salamat kay Nina Ricafort ng Quality Response Team sa pagbigay sa akin ng mga grades na nag average na 99% para masama ako sa listahan ng Top Performers. (Kung kelan naman ako paalis na sa company) LOL!
Isa itong magandang alaala na maiiwan sa PeopleSupport. Go for the sale! Viva DR Part-Timers!
naglalaman ng mga saloobin ng may likha, na sa araw-araw na pagkabagot ay nakahanap ng panahong magsulat ng mga naiisip ...
Thursday, May 27, 2004
Wednesday, May 26, 2004
Six Feet Under Season 3!
kagabi, aksidenteng naabutan ko yung 2-EP season premier ng Six Feet Under sa HBO, astig astig astig! mahal ko talaga to!
Tuesday, May 25, 2004
Bagong Umaga
Bawat buhay ay may patutunguhan
Bawat pangarap ay may katiyakan
Sa puso mo, huwag mabibigo
Nasa iyo ang kapangyarihan
Nasa iyo ang pagkakataon at tagumpay
Halina kayo't gumising salubungin ang bagong silang
Halina kayo't tumulong lipulin ang dililm
May bagong umagang parating
May bagong umagang parating
Bagong umaga, bagong umagang
Parating...
Bagong Umaga (Bayang Barrios, Mike Villegas)
Lumalaki akong paurong, mas matalino at mapagkakatiwalaan ko ang "CHRIS" ng nakalipas sa "TAUFFER" ng kasalukuyan.
Nakakainis isipin na kapag may mga taong nagtatanong sa akin tungkol sa mga bagay na dapat ay alam na alam ko, wala akong maisagot na matino. Kinalawang na siguro ng kabagutan ang mga naipundar ko sa aking kaalaman. Matagal ko ring napabayaan ang aking sarili, ngayon nangangapa na naman ako sa mga bagay na dapat ay dati pa, gamay ko na. Isang linggo na lang lilisanin ko na ang contact center na ito, at lilipat sa isang telecommunications company para maging systems development analyst. Mas pinagkatiwalaan nila ang kakayahan ko, kesa sa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung mapapantayan ko ang inaasahan nila mula sa akin, hindi ko alam kung matutumbasan ng magagawa ko ang suweldong inalok nila sa akin, madami na talaga akong hindi alam sa sarili. Kahit pa, excited na ako sa panibagong pagkakataon na ibinigay ng tadhana, madami-dami na rin akong pagkakataon na pinalampas ... panahon na para maging seryoso't tutukan ang oportunidad na ito ... Simply Amazing!
isang bagay ang natuklasan ko sa mga nakalipas na buwan, nilason na ng pagiging emosyonal ang sistema ko. Parang hindi na umiiral ang tamang pag-iisip sa mga desisyon na binibitawan ko, tinatangay na lang ako ng kung anuman ang aking nararamdaman. Kung malungkot ako, mag iisip ako ng paraan para tumakas. Senyales na pagiging isp-bata, gusto ng mabilis na pagtakas kung hindi na maligaya. Hindi dapat ganun sa buhay. Pero para akong alikabok na sumunod sa ihip ng damdamin, ng hindi masyadong nag-iisip, kaya kung saan-saan ako napadpad. Kahit pa, swerte na lang sigurong hindi ako nagkaroon ng malaking pagsisisi sa mga naging desisyon ko. Mabait pa rin sa akin ang sansinukuban, kaya dapat maging mabait din ako sa kanya.
Kung may mga bagay na madaling takasan, mayroon din naman na pilit na kumakapit kahit ano pa aking gawin ko (o baka naman ako lang ang ayaw bumitaw). May mga pantasyang mahirap kalimutan, kasi sila na lang ang nagpapaligaya sa akin kung minsan. Pero tulad nga ng salitang pantasya, wala itong katotohanan. Parang nagtatago ako ng hangin at umasang balang araw magiging bato iyon, bagay na pwede kong hawakan at maramdaman, ibato kung nararapat, basta totoo. kagabi nag away na naman ni RG, parati na lang ganun. Simula noong natapos yung relasyon namin dalawa, naging mahirap na para samin na maibalik ang kahit pagkakaibigan man lang. Kagabi, pareho kaming sumuko sa isa't isa. Move on pare ... move on. Dapat lang talaga.
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong 'pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan tuwina
Doon lang ...
Doon Lang (Nonoy Zuñiga)
tuwing iniisip ko ang kahulugan ng mga letra ng kantang ito, tama ngang sa panaginip lang pwedeng gawin ang hindi kaya sa tunay na buhay. Ang nakalipas ay parang panaginip lang. Darating ang oras na magigising ka't pagbangon mo, may bagong umagang sasalubong at magbibigay ng bagong pag-asa, kung hahayaan lang nating mabuhay sa kasalukuyan, kalimutan ang nakaraan, at humarap na tunay na kinabukasan, nang hindi nagpapadala sa panaginip na dumapo minsang tayo'y natutulog.

Saturday, May 08, 2004
Inabuso Ako!
Common Ground
Kagabi sa Common Ground, Malate, may mga kababaihang hinihimas ako sa balikat, at hindi ata nakuntento, pati buong likod ko hinimas!
Dan Eric's
Nagdala si Super Sup Shey ng Dan Eric's ice cream kanina, masarap siya at mura in fairness...

Thursday, May 06, 2004
Bagong Pagkakataon
ayan, matapos ang tatlong oras na paghihintay na maayos ang lahat na nabulilyasong log-ins ko sa office, empleyado na ulit ako ng PS. Kasama na ako sa distribution list, na-scale na yung cms log-in ko, Mavcomm priority 1!
trabaho, trabaho, trabaho!
trabaho, trabaho, trabaho!
Sinong May Sala?
Ok, nag pass ako ng resignation letter last thursday, I was hoping na mapipirmahan agad yun ng team manager, pero hindi. Late na, tuesday ko na nakuha yung pirmadong documents, kung hindi pa ako nakiusap sa isa sa mga empleyado dito. Salamat kay Siege na nag asikaso ng mga dokumento, at kay Leo na napakiusapan kong papirmahan yung mga yun.
Kahapon ng umaga, nagpunta ako sa HR para ibigay lahat ng kailangan, pati na rin yung mga training manuals para sa clearance. Ang linaw na nakalagay sa resignation letter na effective MAY 30 pa iyon, at sa exit interview, nasabi ko rin yun, pero bakit ganun! pag pasok ko kaninang tanghali, sabi ni mitzi "Wala ka na sa outllook!"
Tinanggal na pala ako sa distribution list. Sa loob-loob ko, madali lang yan, konting tawag lang yan sa helpdesk, ok na. Kaya naman nag log-in ako sa station ko para maayos ko na yung mga tools.
"Your account has been disabled!"
ampucha!
Bakit ganun? sobrang hassle, di ako maka login sa station ko mismo! Yun pala, nasama ako sa May 5 termination, kahit na MALINAW na nakasaad sa resignation letter ko na May 30 effective yun. Nakakainit ng ulo! Buti na lang tumulong agad si Allan, siya na alng ang naasahan ko ata sa HR eh, ewan ko ba! pati sa callmaster ko hindi ako maka login, kaya eto, wait ako ng ilang taon para maka login ako, BUSET!
Na-badtrip na nga ako sa forcedesk team at finance kasi kulang yung bilang nila sa oras ng trabaho last pay period, tapos ito pa!
pabaya ... nakaka disappoint ...

Tuesday, May 04, 2004
Karton
Nagkaroon ng party ang Direct response account sa Dencio's noong sabado. kasabay ko si Mia dumating, matapos namin manggaling sa Dusit Hotel para sa numbers na old contacts niya. Masaya, madaming gaguhan, madaming pagkain ... at siyempre, sa mga pagkakataong libre tulad noon, inabuso namin ang bawat sandali ... nakainom pa ako bago pumunta ng opisina (bawal!) ...
Mag isa akong naglakad patungong Ayala, mula sa Paseo Center. Malamig ang gabi, konting init lang ang dulot ng limang bote na mig-light. Habang nag aabang ng sasakyan papuntang opisina, nakasalubong ko ang isang matandang lalaki, pagod na pagod habang bitbit ang di-kalakihang bag, at ilang piraso ng karton ...
May dumaan na bus, sasakay na sana ako pero parang hindi kayang lumihis ang tingin ko sa matanda. Dahan dahan niyang inaayos ang karton sa sementadong bangketa ng Ayala, parang gumagawa ng paraan na mabawasan ang epekto ng lamig ng sahig sa mahina niyang katawan. Apektado ako, parang dinudurog ang puso ko habang minamasdan siyang naglalabas ng ilang piraso ng diyaryo at kontong kendi na ibebenta sa gabi. Di siguro aabot ng isang daan ang pwede niyang kitain mabili man lahat ng paninda niya. Nahabag ako.
Habang ang ibang taga DR ay nagsasaya at nagpapakabusog, ito si tatang, tinitiis magpakapuyat para kumita ng salaping tatlumpung minuto lang i-uupo ng isang part timer na tulad ko. Pano na ang kanyang pamilya? may pamilya pa ba siya, baka naman binubuhay niya ang sarili niya sa pagtitinda, maraming posibilidad, pero isa lang ang malinaw ... masuwerte pa rin ako.
Siguro napaka immature ko na parang sa sarili ko umiinog ang mundo, parating ako, ako , ako. Ang dami kong reklamo sa buhay, pero minsan, kinakailangan ng isang tatang para makita ko ang tunay na buhay ...

Saturday, April 17, 2004
What’s wrong with you!
April 16, 12:30 am, kakatapos ko lang mag shower. Nagpapatuyo habang nakatitig sa monitor, nag iisip ng pwedeng gawin. Bagong avatar? Bagong concept sa “Panibugho”, banner ni allyn? Magbasa ng e-book? Ang daming pwedeng pagtuunan ng pansin, pero wala akong ganang simulan ang kahit alin sa kanila. Ano na kayang nangyayari sa office? Nabuo ko na kasi yung buong 40 hours na load sa isang linggo, sa Martes pa ulit ang susunod kong shift, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes …. Parang ang daming araw na wala akong trabaho, nakakabagot … buti na lang may tumawag kaninang umaga para i-schedule ako sa technical interview for a programming position (day job) sa isang company sa Enterprise Center, kahit pano may pagkakaabalahan sa mahabang bakasyon na ito …
Kumusta na kaya ang office? Nagtext ako kay Kenny, tinatanong ko yung volume ng calls, as usual, ganun pa rin, walang pagbabago … pare-pareho lang pala kami nagpapalipas ng kabagutan, nag iisip ng pwedeng gawin. Mag re-reply sana ako, kaya lang biglang nag ring yung cellphone, landline number, hindi ko alam kung kanino, nagdalawang isip ako sagutin … nairita na lang siguro ako sa “Toxic” na ring tone kaya napilitan akong sagutin ang tawag.
“Hello”
“What’s wrong with you! Why do you keep on texting my boyfriend”!
“And who is you boyfriend”?
“RG, this is RP” …
Sabi ko na familiar yung boses na yun, mahigit isang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang narinig, sa parehong dahilan, si RG. Hindi ako makapagsalita, nahiya ako, pinutol ko yung tawag… buntong hininga …
What’s wrong with me?
Mahigit isang taon na ang nakalipas, nakatanggap ako ng tawag mula kay RP, pinapa-alam sa akin ang tunay na sitwasyon ng relasyon naming tatlo. Lumabas akong kabit, nakikihalo sa kanila, ang hirap tanggapin pero kahit anong anggulo mo nga tingnan, isa lang ang kitang kita, niloko ako ni RG. Akala ko ako lang, sa bawat minutong kailangan ko siya, nandiyan cya, kahit sobrang pagod na ako sa thesis, nagagawa ko pa ring ngumiti kasi minu-minuto siyang nagtetext, nangungumusta … lahat yata ng message niya may “I love you bee” pero hindi akong nagsasawang mag reply na “mas mahal kita”. Kaya hindi naging madali na tanggapin ang katotohanan.
Ang sakit, hindi ko kinaya … si ria lang talaga ang napagkukwentuhan ko ng tungkol sa amin ni RG, di tulad ng kay Mike noon na sumasama sa mga lakad ng barkada. Parang naipon na yung galit at sekreto ko, konti na lang sasabog na sila. Sumabog nga. Hindi ko makakalimutan yung gabing humahagulgol akong nagkukuwento kay ria kung ano ang nangyari. Nailabas ko rin lahat, parang kutsilyong natanggal sa pagkakasaksak, magaan na pero masakit pa rin ang sugat. Pero panahon na para umusad … move pare, sabi ko sa sarili.
Kahit anong galit ko kay RG, lamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pinauabaya ko na siya sa RP, hiniling na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko, alagaan at bantayan … Nagpasalamat sa pagkakataong napaligaya niya ako ng totoo, nagpasalamat sa pag ibig na minsan lang ipahiram sa akin ng tadhana. Pinilit ko siyang kalimutan, hindi naging madali, pero unti-unti na siyang nabubura sa isipan ko, naging busy ako sa trabaho, doon ko binuhos ang lahat ng oras.
Isang araw naka receive ako ng text:
“Hi”
“Hello, who’s this pls”
“RG” …
parang bumalik ang lahat na pinilit kong kalimutan sa kanya, pati pagmamahal.
Kunwari hindi ako naaapektuhan sa lahat, tinuring ko siyang parang kaibigan, kasi iyon ang dapat. Siya na rin ang nagsabi, mahirap na mangyari pa ulit ang pagkakamali ng nakalipas, masyado nang maraming nasaktan. Pero minsan hindi ko rin mapigilang umasta na parang kami pa rin …
Kanina lang nag text ako …
“Musta, anu gawa mo”?
“Nakahiga”
“Pwede patabi”?
“Cge”
“What are you wearing?”
“Shirt, pants, socks”
“Can I take them off?”
smiley …
Mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit kong makalimot, hindi ko magawa sa ngayon. Hindi ako madaling mag fall, at pag nangyari yun mahirap nang mawala, kahit ano pa. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagpapaalala sa sarili ng kung anong tamang gawin … siguro naghihintay lang ako ng pagkakataong maibigay ang kung anumang nararamdaman ko kay RG sa ibang tao. Pero hindi ko pa rin nakikita at nararamdaman ang pagkakataong iyon … naghihintay pa rin …
Nakatitig ako sa monitor nung marinig ko na naman yung ‘Toxic”, nag ipon ako ng lakas ng loob bago sagutin ang tawag.
“Yes”?
“What’s wrong with you”!
“Ummm …. I dunno …”
“You’ve been flirting with my guy for how many months now”
”Im sorry”
“Sorry? That’s all you can say? Noong una pinalampas kita coz I know you’re an educated person, cant you find a better man”
“I said I’m sorry, it wont happen again”
katahimikan…
“Is there anything else you want to say”? sabi ko
“Just grow up”!
he hung up.

Sunday, April 11, 2004
Sa Pagiging College Usher
tatlong linggo na yata yung nakalipas nung nagsipagtapos ang nga tomasino ng 2004. Inisip ko tuloy, ano kaya yung uniform ng mga ushers ngayon? Noong panahon ko, 2002 junior year ko yung sa UST, naka chinese collar na pinyang barong kami, gustong gusto ko yun kasi ang ganda ng texture nung barong, saka yun ang pinakamahal na barong na nasuot ko (syempre school ang nagbayad), yung mga babae naman, muslim inspired na uniform, ang ganda ng effect, pag magkakasama kami para kaming flight attendants ng PAL. yung batch naman after us, hand painted yung barong nila, parang yung kay Noli de Castro dati sa TV Patrol, parang gradient fill ng white and light blue tapos yung mga babae may shawl ... parang may cotillon.
Ni minsan hindi naman sumagi sa isip ko na maging usher, sa loob loob ko ang hindi naman ako bagay diyan, gwapo't magaganda lang na mejo popular ang tinatanggap diyan, puro kaepalan! pero noong minsan naimbitahan ang dalawa sa mga kaibigan kong babae na magpunta sa screening, na excite ako for them. Siyempre full support ang buong barkada, sinamahan namin sila sa labas ng screening room. Wala kaming idea kung ano ang mangyayari sa loob. Nagulat ako ng makita ko yung prof ko, isa pala siya sa mag screen, siyempre feeling close siya ever, nabuyo kaming lahat na mag pa screen, di naman kami prepared kasi dapat pala dala yung copy ng grades kasi may cut off na average, di ko alam kung height limit ... basta napalista kaming lahat para dun.
Di komportable yung screening, ang lupit nung interview, natatawa ako kapag naaalala ko yung mga tanong sa akin, about terrorism, what do i think about the government's stand about the issue, what do y0ou think bout abortion ... at kung anu ano pa, siyempre na challenge ang english ko (haha, parang hindi nagtatrabaho sa call center) ... lahat ata kaming lumalabas ng room namumula pagkatapos, puro sensitive kasi yung mga tanong ... about morality, current events, etc.
Ok, after 1 week na confirm na tanggap kami ni mabel, nakakalungkot na yung 2 friends ko na na invite, sila yung hindi nakuha ... Nakakapagod pala maging usher, ang daming meetings, ang daming plans, pinag aaralan kung saan possible maggaling yung guests, kung pano sila i-receive, kung san sila dadalhin, kung sino-sino ang assigned sa isang location ... ang dami! noong college of science week lang eh, di na kami magkanda-ugaga sa dami ng gagawin, nag overlap pa sa mga class and exams, mukha akong ewan na naka kamiso tsino ako sa class, tapos after noon babalik na naman sa post. Di pa kami magkapareho ni mabel ng shift, so hindi kami madalas magkita.
Nakaka-kaba mag receive ng important guests, kelangan super PR mo, pero nakakainis mag assist ng mga bata! haay, di ko makalimutan noong na-assign ako sa exhibits, kinailangan ko pa dalhin sa ibang building yung buong class ng bisita! "OK maam, pls follw me, we're going to the gradutae school for ...." sunod naman yung mga kids sa adviser nila, na sinusundan ako, haay nakalimutan ko na yung mga small talks namin nun! ang hirap pala! Noong may synposium sa Medicine Auditorium, sabi nung head nung department namin "ang gwapo ni Mr Ng ah!", siyempre kunwari embarassed ako pero kilig naman.
Wala na siguro mas nakakapagod pa sa graduation mismo, ang hirap pag-aralan ang buong PICC, kung san manggagaling, kung pano mag march yung graduates, kung pano i handle yung guests, kungpano ihandle yung parents, kung pano pigilan ang lahat from taking pictures! may inaway pa ata akong magulang eh, nagpupumilit kasi, pinagsabihan ko lang naman. Pero sulit naman after.
Parang ang elegante na lang noon kapag may event, na parang sinemento ng gel ang buhok kong mejo mahaba pa noon, kasi kailangan, tapos hawak-hawak ko yung pinyang barong papasok sa school ...

Saturday, April 03, 2004
Passion of The Christ
Napanood ko kagabi yung movie, with May, dapat madami kami, kasi usapan last week na Friday nga papanoorin yun, pero wala naman sumipot :), na udlot din yung lakad namin ng SPL batchmates kasi nga super daming deadline sa company, kaya ayun, kami na lang best ang nanood. Super violent, or should I say "realistic" nung movie, mas nakakatakot panoorin kesa sa pagkatay ng baboy. Mejo nakakagulat ang mala- "exorcist" na music sa simula. Nakakatawa kasi sabi nung isang babae sa likod ko, "ang guapo naman ni Jesus, nagkakasala ako!"
Gusto ko siya kasi hindi siya masyadong religous, pinakita lang talaga yung suffering, hindi masyadong suggestive na "kailangan ito ang relihiyon mo!", pero ang sama ko na lang siguro talaga na pagkatapos ng movie, tumawa ako ng malakas habang lumalabas ng movie house, para kasing after manood, yung mga tao sobrang nagmumuni-muni, ang tahimik, nakayuko .... parang bumait ang lahat (except ako) pagkatapos nito.

Subscribe to:
Posts (Atom)